^

Police Metro

DU30 hindi sinuhulan ng Mighty

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Mistulang ‘fake news’ o ‘wow mali’ ang lumabas na balitang tinangkang suhulan ng may-ari ng Mighty Corporation si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilinaw kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang nangyaring insidente ay may ilang taon na ang nakalilipas noong mayor pa lamang si Duterte sa Davao City at hindi rin  ito suhol kundi regalo lang kay Duterte.

“Regalo sa kanya, pero pera. Actually hindi naman bribe, parang regalo lang,” dagdag ni Panelo.

Magugunitang unang sinabi ni Panelo na nakuwento ni Pangulong Duterte na nagpadala ng package ang Mighty Corporation na inakala daw nilang alak pero nang buksan ni Special Assistant to the President Bong Go ay bulto ng pera kaya pinahabol hanggang sa airport sa Davao.

Inamin din ng pa­ngulo na hindi siya naniniwalang suhol o bribe kundi gratis o pasasala­mat.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with