^

PSN Opinyon

Ninja cops pakuya-kuyakoy lang

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na walang mangyayari sa kampanya  ni Boss Digong at ni PNP General Bato dela Rosa tungkol sa ‘war on drugs’ kahit pa abutin ito ng 6 years hangga’t pakuya-kuyakoy ang mga original members ng ‘Ninja Cops.’

Sabi nga, pinababayaan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami lang ang matitigok samantala ang mga bigtime ninja cops ay pabilang-bilang lang ng kuwarta sa mga safe houses nila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit tumagal pa nang anim na taon sa puesto si Boss Digong pagtatawanan lamang ito ng Ninja Cops dahil walang nangyari sa kanila.

‘Matindi ang kanilang networking.’ sabi ng kuwagong napapailing.

Ika nga, iba na ang sangdamukal ang salapi!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alam ng mga lespu sa mga kampo at ng intel community kung sinu-sino ang mga miembro ng ‘Ninja cops’ sa Metro - Manila. Nagtataka ang marami kung bakit mukhang wala yatang kumikibo sa kanila para ito dakpin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit anong mura o takot sa mga ‘Ninja cops’ ay hindi sila matitinag.

Ika nga, sanay silang pumatay nang mga kalaban kaya bali wala sa kanila ang murahin.

Sabi nga, pasok sa kanan tenga, labas sa kaliwang tenga !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kilalang-kilala ng mga kristo sa mga sabungan ang mga ‘Ninja cops’ dahil hindi biro sila kung pumusta sa mga sugalan kaya maski mga vendors lalo na mga kristo tiyak markado sa kanila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga casino kalimitan makikita ang mga ‘Ninja cops’ paikot-ikot ito dito at nagsusugal. Ang ilan sa kanila ay mga financers pa sa casino.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lie-low ang ilan sa grupo ng ‘Ninja cops’ sa ngayon dahil nakikiramdam sila sa nangyayaring galawan hindi lamang sa Crame kundi maging sa mga kalye.

Ika nga, baka sila biglang madapa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may ilang linggo na rin nahinto ang ‘all out war’ sa droga dahil sa pagkapikon ni Boss Digong sa nangyari sa isang Korean national na sa loob mismo ng Crame tinigok.

Dahil sa pagkakahinto sa operasyon ng droga dahan-dahan lumabas sa mga lungga nila ang mga addicts/pushers para muling gumamit at magbenta nang illegal drugs at mas malalakas ang loob nila ngayon dahil sa palagay nila ay wala ng manghuhuli sa kanila.

Ika nga, free again!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas lumakas ang loob ng mga pushers dahil sa kalye na mismo tinitimbang ang shabu oras na bumili ng droga ang mga adik na parokyano nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya ng isa sa mga ‘Ninja cops’ ang maglabas ng million of pesos kung kinakailangan.

Sabi nga, sa oras ng aberya kahit P50 million ay kayang-kaya nilang maglabas.

‘Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit hindi pa sungkitin isa-isa ang mga ‘Ninja cops’ tutal kilala naman ang mga ito.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga retirado ng ‘Ninja cops’ pero patuloy pa rin sa operasyon ng droga.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang ‘sarhento’ daw ang pinuno ng “Ninja cops.’

Totoo kaya ito?

Abangan.

MMDA - galaw, galaw

KAHAPON ‘strike’ ang mga jeep sa iba’t-ibang panig ng Metro-Manila at provinces dahil sa isyu ng phase-out kaya naman alaws pasok ang mga elementary at high school students sa karamihan schools sa kamaynilaan.

‘Pero ang grabeng trapik sa EDSA ay mas lalong tumindi kahit deklaradong walang pasok sa mga eskuelahan ang mga bata.’ sabi ng kuwagong asar.

Ayon sa reklamador, umalis siya ng 6:30am sa may SM North EDSA sakay ng kanyang tsikot papuntang NAIA Terminal 1, inabot daw siya ng halos tatlong oras sa biahe para makarating ng paliparan.

Ano sa palagay mo MMDA OIC general manager Tim Orbos ? 

‘May pag-asa pa kaya tayo sa EDSA ?’ tanong ng kuwagong nagkukumahog.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana hindi puro ‘praise release’ ang mga tirada ni Orbos dapat laliman pa nito ang kanyang mga plano para mapabuti ang takbuhan ng mga sasakyan sa EDSA.

Baka naman naghihintay ito ng kanyang kapalit?

Sana huwag ningas cogon ang style natin Tim.

Abangan,.

vuukle comment

NINJA COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with