^

Police Metro

Roadside bombing, nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naagapan ng tropa ng militar ang planong pambobomba sa kanila matapos marekober ang isang eksplosibo na itinanim sa kalsada sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni Lt. Col Benedicto Manquiquis, Public Affairs Officer ng Army’s 1st Infantry Division, pinaniniwalaang target ng pambobomba ang tropa ng militar na dumaraan sa Brgy Gadongan, Marawi City.

Ayon sa opisyal ang bomba ay nadiskubre ng isang PO1 Titiban ng Task Force Lasureco, miyembro ng Explosive and Ordnance Reconnaissance Action (EORA) agent dakong alas-3:30 ng hapon.
Agad ikinordon ng mga elemento ng Army’s 65th Infantry Batallion at ng Iligan City Police Explosives & Ordnance Division na nagresponde sa lugar bandang alas 12:40 ng madaling araw at  na-detonate ang bomba na isang IED na may 81MM ammunition dakong alas-5:00 ng umaga kahapon.

Posibleng ang itinanim na bomba ay nag­lalayong ilihis ang atensiyon ng militar kaugnay ng opensiba laban sa Maute terrorist group sa Butig, Lanao del Sur.

vuukle comment

NEW PEOPLES ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with