^

Police Metro

Dalaga pinatay ng nobyo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung hindi pa umalingasaw ang mabahong amoy na mula sa silid ng isang bahay ay hindi matutuklasan ang pagpatay ng isang lalaki sa kanyang nobya kahapon ng hapon sa Urbiztondo St., Binondo, Maynila.

Halos naaagnas nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Crestyna Rivera, 26, tubong Cebu at nanunuluyan sa Cluster 4, Unit 4M ng Numancia Residences sa Urbiztondo, na pabahay ng lokal na pamahalaan ng  Maynila.

Inaresto agad ang suspek na si Albert Francisco, 31,  miyembro ng City Security Force (CSF)  ng Manila City Hall at residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong ala-1:05 nang hapon sa kanilang silid ay hindi umano lu­malabas ng bahay ang suspek at nangangamoy na ang lugar kaya naisipan ng tiyuhin ng biktima na itext ang suspek.

Habang nag-uusap ang dalawa ay naisipan  ng tiyuhin na ireport sa pulisya ang insidente dahil sa masangsang na amoy.

Dumating ang mga tauhan ng Homicide Section at pinasok ang lugar dakong ala-1:05 ng hapon kung saan tumambad ang bangkay ng biktima na nasa state of decomposition na kaya’t agad na inaresto ang suspek na nakakitaan ng mga galos sa braso at likod na inidikasyong nakapanlaban pa ang biktima.  

 

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with