^

Kutob

Nobyembre 25, 2016

CITY SENSE - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Pakyaw na benta ang naghihintay sa aking mga paninda sa buong araw. Tunay na sapat ang pagpapala ng Maykapal.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang problema sa relasyon kung patuloy na magbulag-bula­gan, walang solusyong mangyayari. Pareho kayong mahihirapan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 27, 39 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mag-ingat sa binibitiwang salita. Baka hindi sinasadya, makasakit ka ng damdamin. Mabuting maging taga-pakinig kaysa maging tagapag-salita.  Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 31, 44 at blue.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – Iwasang ma­kagawa ng bagay na makakasakit ng kalooban ng minamahal dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 36, 45 at green.

PISCES (Pebrero19-Marso 20) –  Isang tao ang aakit ng atensiyon. Bago mahulog ng lubos ang kalooban, alamin muna ang kanyang pinanggalingan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 29, 41 at brown.

ARIES (Marso  21-Abril 19) – Kung may gustong sabihin, huwag idaan sa init ng ulo. Mahirap kang maunawaan ngayon at hindi ka makikinig sa iba.  Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 26, 37 at navy blue.

TAURUS (Abril  20-Mayo 20) – Mananatili ang mataas na pagtingin ng kapwa. Suriing mabuti ang bawat panig bago gumawa ng kongklusyon. Panindigan ang ginawang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 29, 38 at peach.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) – Isang tao na akala mo’y kaibigan  ang magtatraydor. Ngayon makakatiyak kung sino ang tunay na kaibigan.  Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 37, 42 at fuschia.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Gawin ang bagay na kailangan matapos. Ipahuli ang ibang maaaring makapaghintay. Bigyan din ng pagkakataon ang sarili na makapag-relax. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 23, 35 at red.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) –   Iwasan ang mga makukulit dahil sisirain ang iyong buong araw. Kahihiligan kang asarin kaya maging handa.  Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 26, 41 at peach.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Habaan ang pa­sensiya. Mainit man ang ulo, tiyaking kontrolado ang emosyon. Mag-ingat dahil malamang masisigawan ang mga  kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 8.16. 29, 30 at cream.

LIBRA (Setyembre  24-Oktubre 23) – Sabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy sa kinikimkim. Walang mangyaya­ring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 22, 30 at royal blue.

SCORPPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kung gustong matapos ang gawain, huwag magtatamad-tamaran, kumilos kahit mag-isa. Huwag aksayahin ang panahon kahit ayaw tumulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 2,12, 24, 39 at pink.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with