^

Metro

86 paaralan, 65 dorms sa MM lumabag sa fire safety rules

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May 86 na paaralan at unibersidad at 65 dormitories sa Metro Manila, ang iniulat na lumabag sa fire safety rules and regulations matapos ang ginagawang pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni BFP Officer-in-Charge C/Supt. Samuel Perez kay Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo, sa 86 schools at unibersidad na ininspeksyon, 46 ay sa Manila, 21 sa Muntinlupa, 11 sa Makati at walo sa San Juan, habang 65 dormi­toryo mula sa City of Manila. Nilinaw ni Perez na ang pagsisiyasat ay ginawa base sa direktiba ni Robredo na paigtingin ang inspection sa mga naturang establisimento at tignan ang kahandaan ng mga ito para sa muling pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Sinabi ni Perez, napatunayan ng grupo ang matin­ding paglabag sa mga nasabing establisimento tulad ng mga bintana sa silid paaralan na may konstruksyon ng iron grill at ang ibang bintana na bukas para magamit bilang emergency at bentilasyon ay naka-podlocked. Wala ring emergency evacuation plan na nakasulat sa mga hallway at corridors ng gusali na indikasyon na daan para sa malapit na fire exits, at marami pang iba.

Sinabi pa ni Perez, nagpalabas na ang kanyang tanggapan ng notices to comply (NTC) para sa mga may paglabag para matugunan nila ang kanilang pagkakamali sa loob ng 15 araw.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CITY OF MANILA

METRO MANILA

OFFICER-IN-CHARGE C

PEREZ

ROBREDO

SAMUEL PEREZ

SAN JUAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with