^

Metro

Pagtaas sa presyo ng gasolina, umariba

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muli na namang nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa kabila ng pagbaba ng halaga nito sa internasyunal na merkado.           

Dakong alas-12:01 ng madaling-araw nang pangunahan ng Pilipinas Shell ang P1 kada litro sa diesel at kerosene habang P.50 naman ang itinaas kada litro ng premium at unleaded na gasoline at P.75 naman sa regular gasoline.

Sumunod dito dakong alas-6 ng umaga ang Chevron Philippines at Seaoil ng kahalintulad rin na mga halaga sa naturang mga produkto.

Dahil sa pagtataas, natabunan nito ang kakatiting na P.25 kada litro na rollback na ipinatupad ng mga kompanya ng langis nitong nakaraang linggo.           

Ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis na nagbunsod ang price hike sa pag­tataas ng presyo ng langis sa internasyunal na merkado.

Ngunit sa mga internasyunal na ulat kahapon, lumalabas na bumaba pa ang halaga ng langis.

Sa naturang ulat, bumaba ng $.24 sentimos ang kada bariles ng “light sweet crude” na idi-deliber para sa Setyembre habang bumaba rin ng $.11 sentimos ang Brent North sea crude.  

vuukle comment

BRENT NORTH

CHEVRON PHILIPPINES

DAHIL

DAKONG

IKINATWIRAN

MULI

NGUNIT

PILIPINAS SHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with