^

Pang Movies

Alden sinuway ang mga bilin ng doctor

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isang araw lamang nagpahinga si Alden Richards pagkatapos siyang i-discharge ng kanyang attending physician last Monday morning. 

Hindi niya sinunod ang bilin ng doctor na mag-rest pa ng ilang araw, maghapon daw lamang natulog sa bahay nila si Alden at kahapon nga ay nag-appear na siya sa Eat Bulaga.

Sa Broadway studio lamang muna siya habang si Maine Mendoza ay nasa barangay para sa Juan For All, All For Juan segment.  Doon na lamang sila sabay na nag-promote ng kanilang first teleserye sa GMA 7, ang Destined To Be Yours.

Pakiusap pa nila, huwag daw kalimutan ang kanilang world premiere sa Monday, February 27 pagkatapos ng Encantadia.

Samantala, ang professionalism naman ni Alden ang ikinahahanga sa kanya ni Dominic Roco na gumaganap na best friend niya sa Destined To Be Yours. 

Workaholic pero very generous daw ng actor. Kahit daw may sakit na, tuloy pa rin ito sa trabaho hanggang sa matapos ang mga eksena nito.  Kung tutuusin daw, pwede namang magpaalam ni Alden kay Direk Irene Villamor dahil may sakit siya, pero hindi raw nito ginagawa iyon. 

Katwiran daw ni Alden, ayaw niyang maging cause of delay sa taping.

“Kaya hindi ako nagtataka kung bakit nandyan siya sa kinalalagyan niya ngayon,” sabi ni Dominic. “Sobra ang dedication niya sa work, hindi niya iniisip ang sarili lamang niya, kundi ang kanya ring mga katrabaho. No wonder a lot of young people look up to him. He is truly an inspiring person.”

Bagong GM nangakong ibabalik ang sigla ng government station

Na-meet namin for the first time ang bagong General Manager ng PTV 4 na si Mr. Dino Apolonio nang i-launch nila ang bagong Koreanovela na ipinalalabas na ngayon sa government station, ang The Legendary Doctor.

Nagsimula na itong mapanood noong Sabado, February 18, 9:30 pm at Sunday, same time.  Kung matatandaan, minsan na silang nagpalabas ng isang Koreanovela two years ago, ang romantic-comedy series na Here Comes Mr. Oh na isa ring serye mula sa Philippine-Korean Entertainment, Inc. (PKEI).

Ayon kay Mr. Apolonio, naniniwala siya na maibabalik nila ang glory days ng PTV 4 dahil may suporta raw sa network si President Rody Duterte. Inamin din niyang very challenging ang mamuno sa isang government station.  Hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ito dahil gusto rin niyang ma-experience ang magpatakbo ng isang government network. Naniniwala rin siya na dapat may entertainment shows din silang ipalabas dahil hindi naman pwedeng puro news program and documentaries lamang ang ibibigay nila sa mga manonood, gusto nilang iba-iba rin ang putahe na ihahain nila sa publiko.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with