^

Metro

MPD police sasanayin vs illegal drugs

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na malaki ang  maitutulong ng pagdating ng mga instructor mula Los Angeles na magsa­sanay sa mga pulis ng Manila Police District upang masugpo ang ille­gal na droga.

Ayon kay Estrada, oportunidad na ito para sa mga pulis na pagbutihin at magkaroon ng dagdag na kaalaman para sa tamang  sistema na pagsugpo sa talamak na illegal drugs.

Hindi lamang umano dapat na awareness ang  ipinatutupad kundi ma-ging ang tamang  implementasyon nito upang mas madaling makamit ang layuning drug free  ng  lungsod.

Sinabi naman nina Scott Williams at Jeffrey Smith na kapwa instructors mula DARE-US, ‘passion’ nila na makatulong sa mga kabataan kung saan bagong module at technique ang  kanilang gagamitin  upang makaiwas sa ipinagbabawal  na gamot.

Para naman kay Dr. Antonio Abacan, Jr. Pa­ngulo ng  DARE Philip­pines, maraming bata na nasa grade 5 at 6 ang  ‘curious’ sa iligal na droga kung kaya’t mas dapat na magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil dito.

Pinag-aaralan pa rin naman nila kung hanggang saan maaaring ipa­tupad ang training ng mga pulis bilang suporta sa kampanya ni Pangu­long Rodrigo Duterte laban sa droga.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with