PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 15, 2017

Pagtitibay: Mga hindi inaasahang sitwasyon ay may pambihirang solusyon kung ang puso ng sinuman ay lubos na nagtitiwala sa Maykapal. Alalahanin, tapat Siya sa lahat ng Kanyang pangako. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa pakikipag-usap sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok, may apoy kaya kung may sikreto na malamang na matuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Walang masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Selos ang magiging puno’t dulo ng sigalot at hindi pagkakaunawaan. Ang suliranin ay mareresulba sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung aabot sa sukdulan ang pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away ngunit masarap mabuhay nang walang kaaway. Madali kang mapipikon at mag-init ang ulo. Self-control ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-contro,l ihahatid ka sa kapahamakan. Sa lahat ng bagay, taglayin ang magdalawang- isip kung anong kabutihan at kasamaan ang idudulot bago kumilos. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Ang pagkamaunawain at pagpapasensiya ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung inaakalang tama, gawin. Dahil malakas ang iyong ESP ngayon, maliban kung labag sa batas ng Diyos at tao ang nasa isip. Iwasan ang anumang uri ng sugal dahil tiyak matatalo. Kung iinom ng alak, ilagay sa tiyan at huwag sa utak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Nasa tamang daan ng kaunlaran sa buhay ang nilalandas kaya ituloy ang ginagawa. Makakasagupa ka ng mga pagtutol sa mga binabalak. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Kung mabuti, sundin. Kung masama, iisantabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Maaasahan na malaking pakinabang ang ibubunga ng ginagawa. Magtatagumpay sa nilalakad. Kung naga-apply ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maganda ang hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon. Kung sisi­mulan gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa ngunit kung buo ang loob na harapin, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang pangarap ng kaunlaran sa buhay. Ang hindi maganda ay kung hanggang pa­ngarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Tiyaga at sikap ang maliwanag na sikreto ng tagumpay. At kung ito ay palaging taglay, walang dahilan na maghikahos. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang situwasyon sa kasalukuyan. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at palakantiyaw. Magiging mainit ang iyong ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw dahil hahantong sa hindi magandang pangyayari na pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: