^

Kutob

Oktubre 11, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anuman ang mangyari, alam kong hindi ako pababayaan ng Maykapal.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kahit maging mabagal ang simula nang pagpasok ng kasaganaan kung pananatilihin ang sipag at tiyaga, makakamit ang tagumpay. Magiging mainitin ang ulo, kung may mangungulit hinahon at pasensiya ang kailangan. Magkakaroon ng kaunting tampuhan sa minamahal subalit madaling maisasaayos. Lucky numbers at color for the day ay 19, 31, 44, 45 at strawberry red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang career at reputasyon ay siyang magiging pangunahin ngayon­. Ihanda ang sarili dahil may tao na susubukan ka. Ang relasyong pangkaibigan, pangpamilya o pangkasintahan ay lalong magiging matatag. Ang sino mang makausap ay handang makinig subalit maraming pagtutol. Huwag mabahala dahil ang katuwiran ang magwawagi. Lucky numbers at color for the day ay  7, 35, 39, 40 at flamingo red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kahit malakas ang enerhiya ng iyong pagkatao, malilito ka sa pagpili ng iyong direksyon sa buhay. Iwasan ang magkatensyon at dahan-dahan na pag-isipan ang patutungu­han at tiyak darating ang tamang landas. Ang pagiging ma­lambing at masayahin ay magbibigay sigla sa damdamin ng bawat kausap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 29, 35 at sun yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung hindi masabi ng tapat, bigyan ng pahiwatig ang minamahal, kasambahay, kaibigan o mga kasamahan sa ayaw at gusto. Ang iyong talino ay magiging mahalaga sa paglutas ng suliranin. Mahalaga ang pang-unawa sa minamahal dahil magiging mainitin ang ulo at magiging masungit. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 29, 38 at peach.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang mababang enerhiya ng iyong pagkatao ang magbibigay ng katamlayan sa mga gawain, na dapat paglabanan. Ang ibang kasamahan ay maghahandog ng tulong. Iwasang ibintang ang iyong kamalian sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 17, 33 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang ma­ging matamlay dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa mga gawain na hindi natapos. Ang ibang kasamahan ay may balak na agawin ang iyong responsibilidad. Pa­nahon na upang maipakita ang iyong kakayahan. Mahirap man iwasan ang maging emosyonal, dapat itong paglabanan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 39, 42 at maroon.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Iwasan ang makipagtalo sa mga kaibigan dahil ikaw ang magiging paksa ng biruan at kantiyawan na siyang dahilan ng pagkapikon. Kung may balak na maglakbay, dapat ituloy dahil positibo ang resulta. Kung may pautang, ngayon maningil at tiyak mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 21, 35 at blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maaaring mabigo ang hinahangad kung iaasa sa pakipagsapalaran. Kung ano ang plano sa ikabubuti o ikauunlad ng sarili, dapat huwag sayangin ang oras at makikita ang positibong mangyayari. Ang ugaling sakana ay walang kabutihang ma­idu­dulot, mauuwi lang sa wala ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 9, 6, 11, 17 at ruby red.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang pag -aayos ng mga gusot sa nakaraan ay inaayunan ng panahon. Ma­lakas ang iyong ESP kaya kung ano ang kutob, dapat sundin. Maaaring makaisip ng magandang ideya na siyang magagamit sa pagdaragdag ng hanapbuhay. Ang tensiyon tungkol sa pag-ibig ay maaaring lumitaw anumang oras. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 21, 35 at garnet red.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan ang anumang ispekulasyon. Iwasan ang magbakasakali dahil negatibo ang mangyayari. Iwasan ang magsugal dahil tiyak matatalo. Kung anuman ang gawain, dapat tutukan at tiyak matatapos ng walang sagabal. Iwasan ang magkunwari at ilan­tad ang tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 19, 26, 33, 42 at white.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung ano ang lalakarin ngayon, dapat ipagpaliban dahil kabiguan lamang ang matatamo. Hangga’t maaari, iwasan ang lumabas ng tahanan o opisina kung hindi masyadong kailangan upang ma­iwasan ang hindi kanais-nais na pangyayari. Kung may kaka­ibang dinaramdam sa katawan, kumunsulta kaagad sa doktor. Lucky numbers at color for the day ay 17, 9, 32, 24 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magiging malakas ang karisma sa mga tao at kung hihingi ng tulong, tiyak hindi mapahihindian. Iwasan ang magsamantala at tiyak sampung doble ang karmang kabayaran. Kung may nililigawan o napupusuan, ngayon ang panahon na magsabi ng tunay na damdamin at tiyak hindi mabibigo. Kung may negos­yong nilalakad, hindi mabibigo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 5, 21, 32 at tangerine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with