^

Kutob

Oktubre 4, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Maganap nawa ang lahat ayon sa kalooban ng Maykapal.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May kalutasan ang matinding kagipitan kung pananatilihin ang pagkamahinahon upang makapag-isip ng paraan o solu­syon. Lumayo sa mga taong mapupusok ang kalooban dahil maaaring ipahamak ka. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 28, 31 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ikundisyon ang isip at i-relax ang katawan dahil kakailanganin ang lakas sa haharaping problema. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib. Patawarin ang taong nagkasala at humingi ng tawad kung inaakalang may kasalanan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 29, 35, 40 at blue gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Tuklasin ang sariling potensyal at kung paano ito mapapakinabangan. Ipagpatuloy ang naudlot na mithiin sa buhay. Ilang kaibigan ang tutulong para maituwid ang iyong maling pananaw hinggil sa usa­ping pampuso. Lucky numbers ay 7, 16, 30, 36 at rose pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang maselang akusasyon na ipinupukol sa iyo. Manalangin ng taos puso upang maibsan ang bigat sa dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 24, 31, 43 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Isulong mo ngayon ang planong pangkabuhayan na sinimulan noong nakalipas na taon. Matutugunan ang hamon ng oportunidad. Kulang ka sa kinakailangang nutrients sa katawan kaya panahon na upang pagsikapan na matugunan ang hinihingi ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 25, 38 at pale blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang bagong marke­ting strategy na maiisip ay may ibubungang tagumpay kung isasakatuparan ngayon. Sasang-ayon sa panukala mo ang mga nakakataas o boss. Mabibigyan ng kahalagahan ang iyong pagsisikap. Magiging maayos ang takbo ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 27, 32 at tan.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang suwerte ay parang nakadikit sa iyo ngayon dahil sa likas na kababaang loob na taglay sa mga kapus-palad. Samantalahin ang magandang pasok ng kapalaran. Makakabuting mag-isip, magpatayo ng negosyo dahil nasa panig nito ang kaunlaran. Kilalaning mabuti ang kasosyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44 at metallic gray.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magkakaroon ng kaunlaran ang kalagayan sa pananalapi. Iwasan ang mga walang kabuluhang mga bagay na uukupa ng iyong oras. Pagtuunan ng pansin ang paghahanap buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 23, 32, 45 at golden brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Maging praktikal simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay. Siguraduhin na sa mabuting bagay mapupunta ang pakakawalang pera. Mapapatunayan mo na ang iyong pagtitiyaga sa mga bagay na mabusisi ay mapagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 24, 37 at olive green.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Iwasan ang mga usapan na karaniwang ugat ng hindi pagkakaunawaan. Huwag magpadala sa pagiging agresibo ng kaibigan o kasamahan. Panatilihin ang pagtitiwala at respeto ng kasambahay, kasamahan at kaibigan. Pag-ukulan ng pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 42 at turquoise.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mahalaga ang magkaroon ng social acquaintance. Nga­yon mapapatunayan sa sarili na ang sinayang na panahon ay hindi na maibabalik. Ipagpatuloy ang sinimulang pamumuhunan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 18, 26 at sea geen.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Magiging mailap sa iyo ang kapayapaan ng loob. Patawarin ang taong matagal nang kinaiinisan upang gumaan ang kalooban. Ipagpatuloy ang sinimulan. Maging masinop sa iyong mga gawain lalo na sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 27, 33 at dark red.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with