^

Kutob

Setyembre 30, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anuman ang kalagayan ko, ipinagpapasalamat ko sa Maykapal.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging maganda ang panahon kung iiwasan ang pakikipagtalo. Sa pali­gid ay huwag makikialam maliban sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 32, 39 at light blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Makakatulong ang opinyon ng ilang matatandang kasama sa tahanan o pinapasukan. Ang simula ng kaguluhan sa relasyon ay magmumula sa isang tsismosang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 23, 30, 43 at ivory white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Hindi matatakpan ng karangyaan ang anumang pagkukulang sa aruga at kalinga sa loob ng ta­hanan. Madaling mababagabag ang kalooban. Walang magiging balakid sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 27, 35, 42 at magenta.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maging maingat sa pagpili ng kaibigan. Ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mga taong propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanapbuhay. Ang hindi pagkakaunawaan sa nakaraan ay malulunasan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 28, 43 at violet.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Maaaring hindi maging maganda ang pagdalaw sa kaibigan, kapitbahay o kamag-anak. Kung may suliranin sa pera, may paraan sa tulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 36, 40 at squash yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ipagpaliban ang binabalak. Hindi makukuha ang gustong mangyari ngayon. Malamang magkaroon ng kaun­ting tampuhan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 22 at ocean blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Umaayon ang pagkakataon upang baguhin ang masasamang kaugalian. Makakasagupa ng taong masama ang ugali kung itinuturing subalit huwag magtaka dahil salamin ito ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 10, 30 at tangerine.                 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) –     Ang katalinuhan ay kailangan upang mapagtagumpayan ang mga gawain o proyekto. Ang pagsasamang pang­kaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 28, 31 at pearl white.

GEMINI (Mayo 21- Hun­yo 21) – Magpahinga at kalamayin ang sarili kung makakasagupa ng suliranin para makapag-isip ng magandang solusyon. Maisasaayos ang suliranin tungkol sa salapi o pinansyal. Lucky numbers at color for the day ay 13, 18, 21, 28 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Isang surpresa ang naghihintay sa tahanan o pinapasukan. Magiging maligaya at makulay ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 10, 30 at strawberry red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –Iwasan ang makasakit ng damdamin at tigilan ang walang kabuluhang pagbibiro. May dulot na maligayang karanasan ang sosyal na pakikisa­lamuha. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 35, 42 at purple.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Ang magneto ng karisma ay malakas. Kung may naiisip gawin, huwag ipagpabukas at simulan kaagad upang maging positibo ang mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 41 at honey yellow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with