PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Setyembre 15, 2017

Pagtitibay: Mabuti ang itanim, para mabuti rin ang anihin.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Manati­ling patas sa paghusga. Tingnan ang lahat ng anggulo bago gumawa ng konklusyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasang makagawa ng mga bagay na makakasama sa loob ng iyong minamahal. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang tampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 36, 45 at gold.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Isang tao ang kukuha ng iyong atensiyon na kahit wala na siya sa paningin ay hindi pa rin mawawala sa iyong isip. Pero bago pa man mahulog, kilalanin siya nang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 29, 41 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kailangang mapagtanto mo sa sarili ang problema sa relasyon. Dahil kung patuloy na magbubulag-bulagan, walang solusyon na matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-ingat sa mga bibitiwang salita ngayon. Baka hindi sinasadya na makasakit ka ng damdamin. Makakabuting maging tagapakinig na lamang muna ngayon, kaysa maging tagapagsalita. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31, 44 at silver.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Sabihin kung anuman ang nais sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob, kaysa patuloy itong kinikimkimin. Walang mangyayari sa pagmumukmok at pagluha. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung kailangang matapos ang gawain at ang iba ay patuloy na nagtatamad-tamaran, kumilos na kahit mag-isa. Walang oras na dapat aksayahin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ay naku, dapat mong iwasan ang mga taong makulit ngayon dahil sisirain lamang ang iyong mood sa buong araw. Kahihiligan kang asarin kaya maging handa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Habaan ang pa­sensiya. Mainit man ang ulo, siguraduhing makokontrol ang emosyon o kung hindi ay mag-ingat dahil malamang masisigawan ang mga kasambahay o kasamahan na pagsisisihan sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at cream.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Unti-unti ay makadarama ka ng atraksiyon sa isang kaibigan. Kung nais mong iwasan, pag-isipan nang mabuti dahil ang mga matagumpay na relasyon, karamihan ay nagsisimula sa pagkakaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 42 at old rose.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Gawin ang bagay na kinakailangang matapos kaagad. Ihuli na muna ang iba na maaari pa namang makapaghintay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Itigil muna ang pinag-uusapan kung ito ay nagsisimula nang uminit. Talakayin na lamang muna ang ibang bagay dahil walang silbi kung paiiralin ang init ng ulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 29, 38 at blue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: