^

Kutob

Setyemre 12, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kung gusto mong makatanggap, matutong magbigay nang may kagalakan sa iyong puso. Ito ang tunay na prinsipyo ng pananagana. 

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng tra­baho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang pakikipaghuntahan at hindi tatamarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil puno ng kamandag at magiging mabagsik ang Libra sa araw na ito. Iwasan ang mabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Liba­ngin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Nababagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twin-flame. Kung isang Leo o Gemini ang makikilala, hahantong sa pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang gawain na hindi nagawa o napansin noon ay may daan na matatapos ngayon. Magiging malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan upang hindi magsisi sa bandang huli. Ang panahon ng pagre-relax ay nababagay upang makapag-isip ng tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ng buong tatag at pananagutan ang anumang desisyong ginawa, maging ito ay tama o mali. Pag-isipan at maging mahinahon sa anumang ginagawa o gagawin nang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang pakikiisa sa tahanan, maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon, dahil magiging ma­lambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Panahon na upang humingi ng tawad kung may kasalanan at magpatawad kung may nagkasala. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – May gantimpalang nakalaan sa pagbibigay ng abuloy sa tamang tao na mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan at gustong gawin, na kung paglalaanan ng panahon ay maisasakatuparan. Magiging masuwerte kung kikilos at gagawin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 13, 8, 28, 38 at dollar green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol upang maiwasan ang magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 21, 33 at pink.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magiging masuwerte sa anumang uri ng negosyong sisimulan ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung ikaw ay freelancer. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mga pangyayari sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – May surpresang makilala ang pangarap na partner. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang paunlakan o ibigay. Ang paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan sa sarili. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kahit masakit sa kaloo­ban, mapaglalabanan ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Ito ang suliranin subalit kung pagsisikapan ay matutugunan. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 39 at yellow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with