^

Kutob

Hulyo 20, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi ang kalooban ko, kundi ang plano ng Maykapal sa buhay ko ang maganap sa akin. Dahil ito ay tiyak na para sa ikabubuti ko.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan dahil magsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matututunan. Hindi man lubusan maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nalalaman. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain nang makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportunidad na darating. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makakarating ka roon nang walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan lamang pag-ibayuhin. Tiyakin na may kakayanan ka na pamunuan ang lahat at maisaayos ang mga bagay-bagay. Sa kabila ng kalituhan mapagtatantong nasa sariling kamay ang pagkontrol sa mga bagay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ang bulkang sasabog. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo ang pananaw dahil magugulat ka lamang kung paano ito nakatulong sa pagbabago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makakaligtaan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro upang matutunan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masasakit na mga salita sa tahanan. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag labis na magpokus sa isang bagay dahil mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Huwag hintayin na mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay subalit ang nag-iisang landas na sadyang inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.   

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag kaagad sumuko. Maging mapagtimpi sa pagharap sa pagsubok. Alalahanin na hindi lahat nang solusyon sa problema o  hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan, mahihirapan muna bago makamit ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Malamang may manghi­hingi ng iyong payo tungkol sa pag-ibig o personal na suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) –  Sa halip na magha­nap ng ibang bagay, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa iyo, hanapan ng paraan upang makamit ang gusto sa magandang paraan. Iwasan ang manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with