^

Kutob

Hulyo 5, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang hindi nalalaman ang Manlilikha patungkol sa kanyang nilikha. Batid ko na hindi masasayang ang lahat nang pagsisikap ko, kahit madalas hindi patas ang mga tao sa paligid ko. Dahil makatarungan Siya sa lahat nang pagkakataon.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Isang bagong relasyon ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, ano man ang hirap o bigat ng gawain ay magaan na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali, kaya konsentrasyon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulan ang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay maipagpapaliban. Walang problema sa trabaho, ngunit may kaunting gusot sa tahanan o sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hindi magi­ging abala subalit maraming mahahalagang gawain ang matatapos dahil sa angkin ang enerhiya ng sigla. Panindigan ang prinsipyo upang hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang maswerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng  pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad nang hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pang-kaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makakatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan ang palaging mainit ang ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa pag-gastos upang may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang  asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang halaga at panahon ang pag-aaruga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow. 

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkakaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panahon sa proyektong pang-komunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap, kaya hindi maiiwasan na makapagbigay ka ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haharaping pagkakagastusan na hindi maiwasan, subalit ang magandang balita ay nasa landas ang swerte. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin, na dapat mapaglabanan. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan upang manatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with