^

PSN Opinyon

Hindi lang joint patrol

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

HINIMOK ng ating defense officials na magkaroong muli ng joint border patrol ang Philippine Navy kasama ang naval forces ng Malaysia at Indonesia sa Celebes Seas at sa karatig na Sulu Seas.

Ito ay dahil sa walang humpay na pangingidnap ng Abu Sayyaf kidnap-for-ransom group sa bahagi ng karagatang iyon. 

At ang pinakahuling hostage na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf nitong nagdaang linggo lang  ay ang German national na si Jurgen Kantner, Pinatay si Kantner dahil sa kabiguan ng kaanak  nito na mabayaran ang hinihinging ransom kapalit ng kanyang kalayaan. 

Matagal na ang naging gawaing ito ng Abu Sayyaf at marami nang naging bikitima nila na kung hindi makabayad ng ransom eh papatayin talaga nila nang tuluyan. 

Dahil dito ang Abu Sayyaf ay tinaguriang isa sa mga leading security threat groups sa bansa.

Ilang ulit nang pinagbantaan at maging ginyera ang mga Abu Sayyaf sa kuta nila sa kabundukan ng Sulu, ngunit hanggang ngayon ay nandyan pa rin sila at nanatiling napakalakas ng kanilang kamandag. 

Ngunit hindi lang joint patrol ng naval forces ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang kailangan dito. Higit pa riyan.

Nakapag interview ako noon ng dalawang Navy officials ng Malaysia sa isang hotel sa Sandakan, Sabah may ilang taon nang nakaraan. Iyon ay sa kalagitnaan ng pagdukot ng mga Burnham noon. 

Inamin sa akin ng Malaysian Navy official na mismong mga Navy personnel ng Malaysia at Indonesia ang sangkot sa kidnapping na ito, 

Ang mga Indonesia at Malaysian navy officials daw ang siyang nagpro-provide ng fuel sa speedboats na ginagamit sa pagdukot. 

Kaya nga hindi purely Pilipinos ang sangkot dito sa kidnapping. International cooperation ito ng mga nasabing tiwaling naval forces.

Kaya nga kadalasan dinudukot ang kidnap victims sa gitna ng karagatan ng Sulu at Celebes at maging sa Malaccas Strait at dinadala nila sa Sulu na kung saan tinatago ng Abu Sayyaf ang kanilang mga biktima.

Ganito nga ‘yon, kahit pa anong joint patrol ang gagawin ng naval forces ng tatlong bansa, hindi pa rin masusugpo ang Abu Sayyaf.

Dapat ay gagawing mas malalim ang intelligence work ng mga otoridad ng tatlong bansa upang malaman kung sinu-sino sa kanilang naval forces ang sangkot sa kidnap-for-ransom group na ito. 

Kasi sa laki ba naman ng perang nakukuha nila sa tingin ninyo Abu Sayyaf ang nakikinabang? Mas malaki ang kinikita ng mga dayuhang sangkot sa grupong ito, 

Kaya ganun na lang sila kalakas at hindi mapuksa-puksa ang kanilang kamandag na tinatawag na Abu Sayyaf. 

vuukle comment

DEFENSE OFFICIALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with