^

Kutob

Mayo 21, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Ang pagkonek sa mga bagong kakilala ang magbibigay ng kakaibang uri ng kasiyahan at karangalan. Ingatan ang mga salitang bibitawan, sikapin na laging positive words ang mabibigkas.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Hindi mo malalaman ang hangganan ng iyong pasensya. Kung hindi mo masusubukang sundin ang kutob, maging kalma sa pagharap sa unos ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 15, 55, 23 at electric blue.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Clear at direktang salita ang best para sa iyo. Mas maraming maa-achieve kapag diplomasya ang paiiralin mo. Lucky numbers at color for the day ay 31, 25, 17, 53 at orange.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magpa-aura cleansing para alisin ang sumpa ng kabiguan sa pag-ibig at maaakit ang perfect lifetime partner. Lucky numbers at color for the day ay 27, 51, 29, 33 at maroon.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Pahalagahan ang serious relationship issues. Alamin ang iyong sensible limits. Tumigil sa paglingon, tumi­ngin, makinig at makiramdam bago ipagpatuloy ang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 46, 53, 17, 28 at sapphire blue.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Sa halip na gumawa ng major decision na babago sa landas ng buhay. Mas mabuting mag-focus ka sa iyong ginagawa ngayon. Gawin ang pang-araw-araw na improvement. Lucky numbers at color for the day ay 13, 17, 27, 43 at ruby red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Huwag kagatin kung hindi mo kayang nguyain at lunukin. Piliin ang kaya mo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 13, 16, 11` at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang susi ng yaman ngayon ay ang iyong social connection sa mga powerful helpful people. Lucky numbers at color for the day ay 29, 41, 35, 53 at pearl white.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mahahanap mo ang katuparan sa mga interesting idea. Bukod sa pagbabago ng diet at physical fitness, mainam din na ibahin ang life style para sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 38, 33, 17, 44 at cobalt blue.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – Isang hindi inaasahang gastusin ang hahadlang sa iyong cash flow. Mahalagang isaalang-alang  ang sharing of resources. Lucky numbers at color for the day ay 19, 22, 38, 47 at san yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahalaga ang spiritual na kaalaman. Ngayon bigyan ng katuparan ang pagbisita sa iyong kalahi sa probinsya. Ikaw ang magsisilbing susi para makarating sa kanila ang modernong kaalaman. Lucky numbers at color for the day ay 43, 11, 27, 55 at magenta red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi lang naman second chance ang mahalaga kung nais mong manatili sa relasyon. Ang aral ng bawat karanasan ang mahalaga para mapalapit sa Diyos. Lucky numbers at color for the day ay 15, 11, 52, 37 at emerald.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang karanasan sa tagumpay ay mas mahalaga kapag naunawaan mo ang emotional at spiritual growth. Lucky numbers at color for the day ay 39, 47, 23, 41 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with