^

Kutob

Setyembre 4, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipinagpapasalamat ko ang bawat gawain na dumarating. Katumbas ito ng mga pagpapalang hindi napapatid.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung may balak na magbakasyon, ngayon ang tumpak na panahon. Kung may balak na maglipat ng tahanan o maglipat ng bahay, sa uma­ga isagawa para maligaya at masagana. Magi­ging masuwerte ka ngayon kung isang Pisces ang kasama, subalit magiging malakas kung isang Capricorn ang ka-bonding. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 33, 36 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Walang pagbabago sa mga gawain sa araw na ito. Magiging casual lamang ang lahat. Sa dakong hapon ay makakasama sa isang religious group kung nanaisin. Panahon ng panalangin at pagsisihan ang mga kamaliang nagawa para magkaroon ng katahimikan at maging magaan ang kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 34 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mababahala ka sa naiwanan sa tahanan at upang mapanatag ang kalooban, bigyan pansin ang komunikasyon. Maaaring makasakit ka ng damdamin ng iba. Kaya mag-ingat sa bibitiwang mga salita. Magiging masungit at madaling magalit ka na dapat supilin nang maiwasan na masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 28, 39 at green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang pagkamarunong at pagkaismarte sa mga gawain ay mapapansin ng tagapamahala o boss. Ang suliranin sa pag-ibig o sa trabaho ay kailangang aksiyonan para walang pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 37, 42 at lilac.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Alam ng kalooban at damdamin ang sariling limitasyon. Kaya iwasan ang magkunwari. Pairalin ang pagkamahinahon dahil madali kang magalit sa biro, kantiyaw o makukulit. Dahil sa tindi ng pangangailangan sa pera, higpitan ang bigkis ng tali sa budget. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 29, 43 at light blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Trabaho at hanap-buhay ang siyang magiging pangunahing suliranin sa simula ng araw. Magiging palapansin sa mga bagay na makakapagpaunlad at makakalikom ng enerhiya sa pagsisimula ng bagong hakbang sa hanap-buhay. Magiging malakas ang kaunlaran sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 23, 33, 43 at light brown.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Makaka­kita ng magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. May pagkakataon na makahanap ng paraan para magkaroon ng seguridad sa sarili. Tatahakin ang tamang landas sa buhay kung makikinig sa payo ng mga magulang. Kung may kahirapan noon, ngayon ang simula ng kaginhawaan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 24, 37 at yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging masaya ang simula ng umaga. Ang matagal nang mga binabalak ay may pagkakataon na maisakatuparan at ito ay suportado ng pamilya. Huwag tanggihan ang tulong na inaalok ng kaibigan o ng kamag-anak. Dahil dito nakasandal ang inaasahang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 41 at oak white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Lubhang magiging abala sa mga gawain. Huwag abusuhin ang kalusugan sa mga walang kabuluhang bisyo. Huwag dayain ang kapwa o ang sarili para makatawag lamang ng pansin o paghanga. Maging tapat sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 13, 23, 36, 40 at red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May bantang makakagawa ng maling desisyon kaya ang lubos na pag-iingat sa bawat hakbang ay kailangan. Walang magiging suliranin tungkol sa relasyon lalo na sa pag-ibig. Mag-ingat sa inggit ng kaibigan o kamag-anak dahil sa mga tagumpay na tinatamo. Lalong makakabuti kung pagbibigyan ang hiling ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 14, 21, 34, 38 at cannary yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Makakaranas ng sunud-sunod na problema subalit huwag mabahala dahil ang lahat ay mapagtatagumpayan. Magiging unang suliranin ang tungkol sa pinansiyal. Pangalawa ang tungkol sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 25, 37, 40 at red orange

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magpasalamat sa tinatamasang mga biyaya ng Poong Maykapal. Dadagsa ang maraming gawain na dapat hindi ikainis dahil lalong magiging busy at lalong maraming biyayang matatanggap. Ang paraan sa pagbabahagi o pag-a-assign ng mga gawain sa iba ay malaking tulong sa sarili. Masusubukan mo ngayon ang talent ng iyong sakop. Lucky numbers at color for the day ay 1, 16, 29, 42 at ocean blue.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

MAGIGING

MGA

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with