^

Kutob

Hulyo 24, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa bawat sitwasyon, ingatan nawa ng Banal na Espiritu ng Dios ang puso ko.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Bigyang-halaga ang suliraning pantahanan at ayusin habang maaga para hindi lumala. Ang payo ng mga magulang ay daan ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 39 at neon green.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Harapin at hanapan ng solusyon ang problema dahil kung hahayaan, walang kalutasan na mangyayari. Hindi sa lahat ng oras ay maaaring takasan ang problema. May lihim na matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 33, 35 at coral pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung may binabalak, kilos kaagad. Kahit tinatamad, masisiyahan at kaligayahan ang mararamdaman kung matatapos ang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 38, 42 at sky blue. 

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung makikiramdam at tatalasan ang pakikinig, may matutuklasang lihim na tagahanga o sikreto. Huwag magpautang ng pera lalo na sa mga taong hindi gaanong kilala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 32, 34 at light yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung ano ang hinihintay, huwag asahan dahil malabong darating. Iwasan ang magalit. Madaling lapitan at maaasahan ang kaibigan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 27, 40 at electric blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag mabahala kung makakaramdam ng pagkatamlay sa dakong hapon, dulot lamang ito ng pagod. Ang magpahinga ng maaga ay hihingin ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 35, 40 at yellow gold.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag pagkaitan ang kaibigang lalapit at hihingi ng tulong o payo. Ang paggastos nang walang kabuluhan ay dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 16, 31 at silver.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magagampanan ng buong tatag ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Maisasaayos ang suliranin kung taglay ang hinahon at matinong pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 26, 39 at magenta.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Makipagtulungan at may ganting magandang samahan at harmony sa isa’t isa. Ang maging praktikal ay mahalaga para mapagkasya ang pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 25, 35 at flaming red.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung may balak sa paglalakbay, ngayon angkop na isakatuparan. Ang paghanga sa magandang gawain ay magiging gabay at alituntunin para makamit ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 30, 39 at baby pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang binabalak ay maaaring magbago dahil sa hindi magandang pangyayari. Kailangan baguhin ang planong pinansiyal ng pamilya para makamit at mapagkasya sa pangangaila­ngan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 32, 34, 40 at honey yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maganda ang samahan kung may pagmamalasakit sa kapwa. May matatanggap na impormasyon tungkol sa negosyo o trabaho. Kaunlaran ang hangad kaya sipag at tiyaga ang dapat. Lucky numbers at color for the day ay 12, 15, 23, 33 at aqua blue.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with