^

Kutob

Enero 21, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang simple o malubhang sakit sa Dios, lahat ng bagay ay magagawa Niya kaya gagaling ako.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang tao ang aakit sa atensiyon mo. Bago mahulog ng lubos ang kalooban, alamin muna ang kanyang pinanggalingan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 29, 41 at brown. 

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasan ang maka­gawa ng bagay na makakasakit ng kalooban ng minamahal dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 36, 45 at green.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mananatili ang mataas na pagtingin ng kapwa. Tingnan ang bawat panig bago gawin ang konklusyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at peach.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung may gustong sabihin, huwag idaan sa init ng ulo. Maging mahinahon at makinig sa katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 26, 37 at navy blue.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Gawin ang bagay na kailangang matapos. Ipahuli ang iba na maaari pang makapaghintay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Isang tao na akala’y kaibigan pero kabaligtaran. May magtatraydor. Ngayon matitiyak at malalaman ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 42 at fuchsia.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Habaan ang pasensiya. Mainit man ang ulo, tiyakin na kontrolado ang emosyon. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at cream.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Iwasan ang mga makukulit dahil sisirain ang iyong mood sa buong araw.  Huwag hayaan na maapek­tuhan ang sarili sa biro dahil ikaw ang talo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at peach.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung gustong matapos ang gawain, huwag magtamad-tamaran, kumilos kahit mag-isa. Huwag aksayahin ang panahon kahit ang iba ay ayaw tumulong. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Sabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy na kinikimkim. Walang mangyaya­ring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at royal blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mag-ingat sa bibitiwang salita. Baka hindi sinasadya ay makasakit ka ng damdamin. Ma­buting maging tagapakinig kaysa tagapagsalita. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31, 44 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang problema kung patuloy na magbubulag-bulagan, walang solusyon na mangyayari. Kung pagtutuunan ng pansin, makikita agad ang re­medyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at yellow.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

ENERO

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with