^

Kutob

Oktubre 16, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Umaapaw, bumubuhos ang biyaya ng Dios sa buhay ko.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Doble ang suwerte ngayon. Sa hanap-buhay o negos­yo at pag-ibig. Magiging magaan ang hanap-buhay subalit paghandaan ang bukas. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 39, 42 at garnet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang pagbabagong magaganap sa trabaho o sa tahanan ay ikakatuwa ng pamilya. Ang mga kaibigan at mga kamag-anak ay hindi maaasahan ng tulong. Ang mabuti ay simulan ang magsariling sikap. Lucky numbers at color for the day ay 14, 36, 38, 43 at honey yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung ano ang plano, tiyakin na magagawa sa lalong madaling panahon. Ginto ang panahon kaya huwag aksayahin. Bigyang pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 25, 39 at light green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kagipitan at pangangailangan ng pera ang problema dahil sa gastusin ng mga nag-aaral. Ano man ang suliranin, may katapat na solusyon. Huwag mabahala dahil mareresulba ito. Sipag at tiyaga ang dapat para matamo ang ginhawa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 27, 40 at citrine yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – May mga kaibigan na handang magmalasakit o maghandog ng tulong kung kakailanganin. Ang minamahal ay maaasahan sa lahat ng bagay at magiging malambing. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 33, 39 at jade green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ipagpaliban ang pagbabago na gustong gawin sa bahay, opisina o pinapasukan. Huwag pasukin ang bagay kung may pag-aalinlangan. Iwasan na magpaluwal ng pera lalo na kung malaking halaga. Kung may gawain, mag-ingat sa matatalas na kaga­mitan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 34, 42 at red orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – May pagkakataon na makadalo sa isang salu-salo kasama ang matalik na kaibigan, na hindi inaasahan. Malamang makakakilala ng makapagpapatibok ng puso at malamang maging katuwang sa habang buhay. May pagkakataon na makatagpo ng soulmate o twin-flame. Lucky numbers at color for the day ay 13, 25, 34 , 40 at red.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Naghihintay ang magandang kapalaran sa personal na hangarin, kung kikilos kaagad. Ang suliranin sa opisina o tahanan ay magbibigay ng tamang lunas kung aaksiyunan kaagad. Huwag aksayahin ang panahon para makuha ang magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 24, 33, 40, 44 at peach.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Mag-ingat dahil may kahinaan ang katawan mula baywang hanggang talampakan. Iwasan na magbuhat ng mabigat na bagay. Kung may lakad, iwasan na magsuot ng mataas na takong ng sapatos para hindi matapilok. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 27, 37 at peach.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Dalawa ang batayan ng pagkakaibigan. Una, kaibigan na walang pakialam sa bawat isa. Pangalawa, kaibigan na dinadamayan ang bawat isa sa hirap at ginhawa. Ang pangalawa ay siyang maituturing na tunay na kaibigan. Kilatisin ang pagpili ng tunay  na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 36 at tangerine.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung gustong makipagsapalaran, ngayon ang tamang panahon. Kung makikipagsapalaran sa pag-ibig, malamang matamo ang best result kaya lang may bad news. Sa bandang huli, hindi lubos na magiging maligaya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 32, 39 at sky blue.   

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malamang isang matalik na kaibigan ang magtatraydor. Kung ayaw magkaroon ng kagalit, huwag mangutang o magpautang. Magi­ging matulungin ang lahat ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 39 at yellow gold.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KAIBIGAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with