^

Kutob

Setyembre 22, 2014

TAROT GABAY - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-ibig ng Dios ang nagbibigay ng kapayapaan sa puso ko.

VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23) – Huwag ka lamang lumihis sa iyong ginagawa magiging maunlad ka sa taong ito. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 37, 42 at fuchsia.

LIBRA (Setyembre 24 - Ok­tubre 23) – Simulan ang magbago at makikitang may kaunlarang magaganap sa buhay. Kung bigo ka noon sa pag-ibig, ngayon makakatagpo mo ang iyong ideal girl o boy na siyang magbibigay sigla sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 29, 41 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Mahaba man ang prusisyon ang uwi ay simbahan din. Maligaya ka dahil uuwi ang napalayong minamahal. Ang sakripisyong iyong tinamo ay maghahatid ng kaligayahan mo. Lucky numbers at color for the day ay 12, 22, 24, 39 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Gawing batayan ng pagsisikap ang pag-asa. Ha­bang may buhay, may pag-asa ngunit huwag umasa sa iba maliban sa sarili. Ikaw at walang iba ang gumagawa ng iyong kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 33, 44 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung hindi ka nagtagumpay sa buhay, hindi mo ginamit sa wastong paraan ang napakagandang pag­ka­kataon na ipinagkaloob ng May­kapal. Baguhin mo ang lahat ng sis­tema sa buhay at malaking pag-asa na umasenso ka. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 27, 39 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Wala kang ibang dapat gawin kundi balikan ang nakaraan at pag-aralan kung saan ka nagkamali. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 22, 39 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ituloy ang magandang gawain at gawi dahil nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Mag-ingat sa mga taong naiinggit dahil may gagawin upang masira ka. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 23, 35 at red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mag-ingat sa mga hakbang sa darating na mga araw dahil hindi pa lumalayo ang anino ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 29, 38 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – May mga pagbabago kang dapat gawin. Kung magagawa, lalandasin mo ang tamang daan ng kaunlaran. May dapat kang pakinggang mga suhestiyon o payo, ang hindi mabuti  ay iwaglit at ang mabuti ay sundin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 26, 37 at navy blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Malaki ang pagka­kataon na may pagbabagong maganap sa buhay patungo sa kaunlaran. Makakamit ang minimithi kung bukal at taos puso ang pag-ganap sa tungkulin sa darating na mga araw. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 29, 30 at cream.

CANCER (Hunyo 22 - Hul­yo 22) – Kung may kaya at hindi mag-iingat sa tangang yaman, ito ay parang kandila na may sindi at pinabayaan, na unti-unting kinakain ang sariling katawan hanggang maubos. Kung may negosyo, gawin ang masusing hakbang sa pagpapaunlad. Lucky numbers at color for the day ay 12, 27, 36, 44 at green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Mahalaga ang kapakanan at kaligayahan ng pamilya kaya sikapin na mapag-isa upang manatili ang harmoniya at maging maligaya ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 13, 27, 36, 41 at peach.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

LUCKY

NUMBERS

PAG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with