^

Kutob

Agosto 31, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng sakripisyo ko ay nalalaman ng Dios. Sa Kanya ako aasa ng kataru­ngan, hindi sa tao.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang pag­kakaisa ay naaayon sa panahon at pagkakataon kaya dapat samantalahin. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Panahon na para humingi ng tawad kung may nagawan ng masama. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Masuwerte ka sa kahit anong uri ng negosyo kapag sinimulan ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung ikaw ay freelancer. Kung gaano ka ka­suwerte sa negosyo ay kabaliktaran naman sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magpakahinahon. Timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol para ma­iwasan ang magkamali. Isang matalik na kaibigan ang hihingi sa iyo ng payo tungkol sa isang suliranin na dapat tanggihan para malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Iwasan ang hindi  inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang pagbigyan. Ang paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Disiplina sa sarili ang kailangan dahil ma­gi­­ging mainit ka sa pag-ibig. Magiging mapu­sok­ at kung hindi mapaglalabanan, malalagay sa alanga­ning sitwasyon. Pag-aralan at pag-isipang ma­­buti ang mga bagay bago magdesisyon. Lucky num­bers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag idaan sa init ng ulo o maging emosyonal sa pagtatrabaho para maiwasan na mapahamak. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng nakakataas. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kakapusan ng pera ang siyang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Dapat unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Bagay ang pa­ki­kisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pag­kakataon na makatagpo ang soulmate o twin flame. Kung isang Taurus o Sagittarius ang makikilala, hahantong sa isang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil magiging mabagsik ka ngayon. Iwasan ang mapagbiro at palakantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o papamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag ipag­walang bahala ang responsibilidad na naka­atang at dapat harapin ng buong tatag ang anumang suliranin. Ang desisyong ginawa, tama man o mali dapat panindigan at panagutan. Mag-isip at maging mahinahon sa anumang ginagawa o gagawin nang makaiwas sa pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang gawain na hindi nagawa noon ay may pagkakataon na matapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit bago pumalaot ay kaila­ngan ang masusing pag-aaral para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – May gantim­palang nakalaan sa pagbibigay ng tulong sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isip at kung gugustuhin ay mapaglalaanan ng panahon at maisasakatuparan. Magiging maswerte kung kikilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with