^

PSN Opinyon

Klaripikasyon lang

BISAYA HOROSCOPE - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGPADALA ng “note verbale” ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China, kung saan humihingi ng klaripikasyon lang sa mga inilagay na sandatang militar, partikular mga anti-aircraft at anti-missile systems sa mga inilikhang isla sa karagatan. Isang ahensiya sa Amerika ang naglabas ng mga larawan noong nakaraang taon sa pamamagitan ng satellites, na nag­lagay na ng mga sandatang ito sa mga isla tulad ng Fiery Cross Reef at Subi Reef. Ang “note verbale” ay hindi pormal na sulat, at hindi rin pormal na protesta. Sa madaling salita, parang kinalabit lang ang China hinggil sa isyung ito, pero hindi handa ang bansa na makipagsapalaran ng harap-harapan sa isyu. Walang plano ang administrasyong ito na harapin sa ngayon ang Beijing at gamitin ang napanalunang kaso sa Permanent Court of Arbitration para angkinin ang mga teritoryo sa karagatan. Alam natin na gustong maging kaibigan ni Pres. Rodrigo Duterte ang China. Kung may mangyayari sa “note verbale” na ito, ewan ko lang. Sigu­rado hindi ito papansinin ng China. 

Ayon kay Duterte, kapag nagsimula nang kumuha ng mga likas na kayamanan ang China sa karagatan, igigiit na niya ang desisyon ng korte. Kailangan pa ba mangyari iyan bago igiit ang desisyon? Bago igiit na sa atin ang ilang teritoryo na inangkin na ng China? Diskumpiyado rin ang China sa mga isinagawang pagbiyahe ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ilang bansa sa rehiyon, kasama ang Pilipinas. Pilit daw tinatalakay ang mga isyu sa karagatan, kaya nagkakaten­siyon lang. May mga nakatagong motibo raw si Abe kaya bumiyahe sa mga bansang pinuntahan. May alitan din ang China at Japan hinggil sa mga teritoryo sa karagatan. Kailan lang ay maraming ipinangakong tulong si Abe sa Pilipinas, pinansiyal at militar. Nagpahayag din si Duterte na magkapatid ang Pilipinas at Japan, at hindi pababayaan ng Pilipinas ang Japan kapag kinaila­ngan. Paano na pala ang China kung ganun?

Darating talaga ang panahon na hindi na talaga pwedeng isantabi ang isyu na ito. Darating ang panahon na kailangang igiit kung ano ang nararapat sa bansa. Darating ang panahon na kailangan sabihan ang China na hindi puwede ang kanilang ginawa, at planong gawin. May buwelo na sana ang bansa, pero ganito na nga ang sit­wasyon ngayon. Hanggang “note verbale” na lang, muna.

vuukle comment

KLARIPIKASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with