^

PSN Opinyon

Wala nang alalahanin

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TINANONG si Chinese Amb. Zhao Jianhua kung ano ang kanyang opinyon sa mga plano ng Pilipinas na ayusin at pagandahin ang Pag-asa Island, na unang binanggit ni Defense Sec. Delfin Lorenzana noong dumalaw sa nasabing isla. Ayon sa kanya, dahil pag-aari nga ng China ang lahat nang teritoryo sa karagatan, iligal daw ang anumang planong pagsasaayos sa Pag-asa na gagawin ng Pilipinas. Iligal din daw na manirahan ang mga Pilipino sa Pag-asa. Ang panayam na ito ay naganap sa Davao, habang nakadaong ang tatlong barkong pandigma ng China na dinalaw ni Pres. Rodrigo Duterte. Nang tanungin si Zhao kung ano ang gagawin ng China kung magsimula na ang magplanong pagsasaayos sa Pag-asa, partikular ang paliparan, nilayo na siya, siguro para hindi na makasagot at baka hindi na ma­ganda ang sasabihin. Pero nakuha pa niyang magpahayag na iligal ang mga plano. Sinabi rin niya na kaya binabalaan ang anumang eroplano o barko na lumipad o lumayag sa rehiyon, ay dahil sila nga ang may-ari nito, at tama lang na pagsabihan nila dahil panghihimasok ito. Nakaranas ng pagtaboy sa China ang eroplanong sinasakyan nina Lorenzana at Gen. Eduardo Año nang magpunta sa Pag-asa noong Abril.

Sa Davao nagtungo ang tatlong barko at hindi sa Manila. Alam na ng China kung saan sila malugod na tatanggapin. Nagpahayag na rin si Duterte na bukas siya sa joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at China, bagay na ayaw na niyang mang­yari sa pagitan ng US at Pilipinas. Kaya naman ganito na kaangas ang China. Para sabihin ni Zhao na iligal manirahan ang mga Pilipino sa Pag-asa, at iligal din ang anumang pagsasaayos na balak gawin, habang nasa Pilipinas siya, sa Davao pa nga, ay patunay na wala na silang kailangang alalahanin mula sa Pilipinas. Masasabi at magagawa na nila ang anumang gusto. Hihintayin na lang natin na kung matuloy nga ang mga ipinahayag ni Lorenzana hinggil sa Pag-asa, kung ano ang gagawin ng China. Dito masusubukan ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Hindi rin malayo na bawiin na lang ni Duterte ang mga plano sa Pag-asa at sabihin na hindi na gagawin dahil baka magalit ang China. Ginawa niya ito nang magpahayag na magtutungo sa Pag-asa para itaas ang watawat sa Araw ng Kalayaan. Hindi na ito matutuloy.

vuukle comment

ZHAO JIANHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with