^

PM Sports

Creamline, Perlas magpapasiklab

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Maghaharap ang mga baguhang Creamline at Perlas Spikers habang maglalaban naman ang Pocari at Power Smashers ngayon sa pagbukas ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.

Unang magsagupa ang Balipure Water Defenders kontra sa Philippine Air Force Jet Spikers alas-2 ng hapon at susunod ang laban ng Pocari at Powe Smashers alas-4 ng hapon.

Ang Creamline ay susukat sa husay ng Perlas Spikers alas-6 ng gabi.

 Sa men’s competition, magtutuos ang Air Force Jet Spikers at IEM Phoenix alas-10 ng umaga sa parehong venue.

Sabi ni head coach Nes Pamiliar, kailangang mag-step up ang kanyang mga local players para tulungan ang kanilang dalawang imports na sina Kannika Thipachot at Amporn Hyap-cha na kapwa mga Thailanders kung gusto nilang manalo laban sa Perlas Spikers.

 “Sinabi ko sa kanila na kailangan tulung-tulong tayo dito. Kailangan ko ang contribution ninyo rin. Huwag ta-yong umasa dun sa dalawang imports. Sabihin nang malaking bagay sila pero hindi puwedeng yung dalawa lang ang magtatrabaho,” sabi ni Pamiliar.

Ang dalawang Thai imports ay kapwa mga beterano na sa liga dahil naglaro na sila dati sa Cagayan Valley Rising Suns sa V-League kung saan dinala ni Thipachot ang koponan sa historic 16-0 sweep sa 10th V-League Open conference apat na taon na ang nakaraan. Si Hyapcha naman ang nanguna sa panalo ng Cagayan sa kampeonato noong 2014.

Katulong ng dalawang Thai imports sina Jovielyn Prado, Andrea Marzan, Eunice Galang, Regine Arocha ng Arellano University,  Kathe-rine Villegas ng San Sebastian College at Vira Guillema at Joyce Sta. Rita.

Para palakasin pa ang koponan idinadagdag pa ni Pamiliar sina Wenneth Eulalio ng Far Eastern University,  Charm Simborio, Charlene Gillego,  Alina Bicar ng UST at  Dimdim Pacres, dating player ng National University, Rizza Mandapat at Denden Tan.

“Kung sa local players makakasabay kami pagdating naman sa imports medyo ‘yung credentials ng mga nakuha ko mas angat sa ibang kinuha nila. Mga best players ng Thailand ang nakuha ko, kailangan lang mag-contribute ng mga locals ko eh,” dagdag ni Pamiliar.

Inilahad naman ni Air Force  coach Jasper Jimenez na lamang sila kontra sa Balipure dahil sa kanilang karanasan at familiarity sa liga.

 

vuukle comment

CREAMLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with