Napapraning na Estudyante
Dear Vanezza,
Pinili nila papa at mama na mag-aral ako sa isang exclusive na university kaso malayo sa amin kaya napilitan akong mag-dorm sa school. Pumayag naman ako, pero na-depress ako dahil mga classmates ko lang ang kasama ko sa dorm na puro babae. Bawal lumabas ng dorm ng walang permit o sundo. Feeling ko, mapapraning ako dahil sa text at call ko lang nakakausap sila papa at mama. Gusto ko nang mag-transfer ng ibang school na mas malapit kaso ayaw ni mama. Akala niya ay nag-iinarte lang ako. Konti na lang malapit na akong bumigay sa sobrang tahimik at lungkot na hindi ko kasama sila mama. Nag-iisal lang po akong anak. Ano ba ang dapat kong sabihin sa parents ko, nabo-boring na ako sa dorm? – Cherish
Dear Cherish?
Tiyak na nahirapan kang mag-adjust sa bagong mundo mo. Maaaring kausapin mo ang inyong dean o kinauukulang personel sa university para sila ang magpaliwanag sa parents mo na hindi adviseable sa iyo ang mag-dorm. Mahalaga sa learning ng estudyante ang visible na support ng magulang na siyang na-miss mo kaya nagkakaroon ka ng ganyang anxiety. Puwedeng ipaliwanag sa papa mo ang iyong nararamdaman para siya ang magpaliwanag sa mama mo ng iyong sitwasyon.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest