^

Bansa

MPD, EPD magbabantay

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa paggunita ng Semana Santa

MANILA, Philippines -  Nasa 760 na bahagi ng 1,670 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang itinalaga sa ‘Oplan Sumvac’ sa Maynila na tututok sa mga simbahan para sa pagdaraos ng Semana Santa simula Abril 9 hanggang Linggo ng Pagkabuhay o ‘Easter Sunday’, Abril 16.

Bilang tugon ito ni MPD Director, P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na magla­tag ng security measure para bigyang seguridad ang publiko na inaasahang dadagsa sa mga simbahan sa lungsod.

Tutulong din ang hanay ng MPD sa mga motorista at mananakay na magbabakasyon at lalabas ng lungsod.

Ani Coronel, ang mga nakatalaga sa ‘­Oplan Sumvac’ ay may counter-terro­rism trai­ning din dahil hindi maaaring ipagwalang-bahala ang pagkumpirma ng Philippine National Police (PNP) sa banta na maaaring maghasik ng panganib ang terrorist group na Maute na nasa Metro Manila.

 Bukod sa mga unipormadong pulis, may mga nakasuot din ng sibilyan na ipinakakalat sa mga bus terminals, daungan at sa iba pang matataong lugar.

Samantala, ang Eas­tern Police District (EPD) naman ay makikiisa rin sa pagbibigay ng seguridad sa nasasakupan nito sa Mahal na Araw.

Ayon kay EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, inilunsad nila ngayong Semana Santa ang ‘Bisikleta Iglesia’ at ‘Pabasa’ upang maipakita rin ang pagiging maka-Diyos ng mga pulis.

Nabatid na ang Pabasa sa Semana Santa ng EPD ay sisimulan sa Abril 12, 2017, sa pamamagitan ng isang banal na misa sa ganap na 8:00 ng umaga sa EPD Chapel habang sa Abril 13 naman, ilang pi­ling personnel ng EPD ang magdaraos ng bike patrol o ‘Bisikleta Iglesia’ sa iba’t ibang Catholic Churches sa mga nasasakupan nitong lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Tiniyak naman ni Sapitula na sa kabila nito ay titiyakin nilang maga­gampanan ang kanilang pangunahing tungkulin na mapanatiling payapa at maayos ang kanilang nasasakupan sa buong panahon ng Mahal na Araw.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with