^

Pang Movies

Career nasa bingit na nga ba? Charice mauubos na raw ang ipon!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

May duda ang isang dating kaibigan ng singer na si Charice na unti-unting nauubos ang mga naipon nito nang sandaling magka-career sa Amerika.

Wala raw kasing regular na pinagkakakitaan ngayon ang singer kundi pasulpot-sulpot na concert sa abroad.

At may concert nga raw ito para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz pero waley ingay at parang kakaunti pa lang ang nakakaalam. At maliit pa raw ang venue.

Teka ano na nga bang nangyayari sa career ni Charice at nawalan na yata ng sigla?

Sikat NA aktres limang oras nagpahintay sa shoot ng endorsement

Grabe palang magpahintay ang isang sikat na aktres.

Super OA. One time daw, limang oras itong nagpahintay sa isang commercial shoot. Meron naman daw binigay na dahilan pero hindi man lang daw nag-sorry sa mga pinahintay na kasama sa shoot ng commercial at parang wala na lang nangyari.

Kris may inamin sa ginawa nila ni Herbert sa Italy

Kahit beauty treatment ang latest endorsement ni Kris Aquino, ang kuwento sa kanila ni Herbert Bautista ang bumenta kahapon sa presscon nito.

Nagpaliwanag kasi si Kris sa nasabing event na hindi sila nagsama ni QC Mayor Bistek sa isang hotel sa Italy. Isang wholesome daw ang naging pagkikita nila dahil sa Assisi (town sa Italy na matatagpuan ang Basilica of St. Francis) sila nagkita kung saan nakapagdasal pa sila. Hindi rin daw sila nag-dinner kundi nag-merienda lang. At nanatili raw silang magkaibigan ng alkalde na nagpadala pa ng lechon nang madale ng bakal ang paa niya sa taping kamakailan ng kanyang bagong show.

 

vuukle comment

CHARICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with