^

Punto Mo

EDITORYAL - Ano nang ginagawa sa illegal gambling?

Pang-masa

MAGKAKAROON daw ng “Tokhang 2” dahil sa muling pamamayagpag ng drug syndicates, Nagbalikan daw sa kalye ang drug pushers kaya balak nang ibalik ang “Tok­hang”.

Kung ibabalik ng PNP ang “Tokhang”, paano na ang kampanya sa illegal gambling? Isasaisantabi na lang uli para matutukan muli ang drug problem? Kung magkakaganito, magpapatuloy muli ang mga illegal na sugalan na matagal nang nagpapahirap sa mamamayan.

Maraming illegal na sugal at kabilang dito ang jueteng na matagal nang namamayagpag at nagi-ging karaniwan na lamang sa mga barangay. Pinagkakakitaan ng mga mayor, vice mayor at hepe ng pulis. Malaking pera ang kinikita sa jueteng kaya malaki rin ang napupunta sa mga local na opisyal. Paano mapapatay ang jueteng na nagiging gatasan na ng mga halal na opisyal.

Maliwanag ang sinabi ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na anim na buwan lang ang taning niya sa illegal gambling sa bansa. Mahigpit umano niyang ipatutupad ang Executive Order No. 13 na inisyu ni Pres. Rodrigo Duterte. Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang PNP, NBI at iba pang law enforcement agencies na buwagin ang lahat nang illegal gambling. Makikipag-coordinate ang mga ito sa Deparment of Justice, Department of Interior and Local Government at Department of Information and Communications Technology.

Ayon pa kay Dela Rosa, target nila ang mga   kongresista, mayor, vice mayor at iba pang opisyal ng gobyerno. Hindi raw sila mangingimi na ipatupad ang kautusan ni Duterte. All-out war na raw ito laban sa illegal gambling.

Paano ngayon na ibabalik ang “Tokhang”, ano ang prayoridad? Sana unahin muna ang illegal gambling dahil marami ring apektado. Wakasan na ang pamamayagpag ng illegal na sugal sa bansang ito.

vuukle comment

TOKHANG 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with