^

Pang Movies

Janine na-trauma sa ginawa ni Marc!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mukhang hindi pa rin nawawala ang trauma ni Janine Gutierrez sa eksenang ginawa nila ni Marc Abaya sa pinakabagong Afternoon Prime series na Legally Blind. Ayon kasi sa photo na ipinost ng Kapuso actress sa kanyang Instagram, sinabi nito sa dulo ng kanyang caption na natatakot pa rin siya sa hitsura ng aktor.

“One hour to go before #LBTrahedya! Saan na dinala si Grace?? Watching #IANUSeduction now, susunod na tayo! Tweet with us later. @marc_abaya nakakatakot ka talaga”.

Hindi namin masisisi ang dalaga dahil kahit kami natakot para sa kanya nang mapanood namin ang eksenang ito. Pero at the same time, pareho kaming humanga sa kanilang dalawa dahil mukhang totoo talaga ang nangyari. Hinangaan din ng netizens ang kanilang pagganap sa eksena na ito at sinabing ikatlong araw pa lamang ng serye pero ganito na kaganda ang kwento.

Jestoni sasabak sa sexy role

After natin siyang mapanood sa iconic telefantasya na Encantadia bilang Haring Armeo, may bago na naman tayong aabangang character from Jestoni Alarcon—this time around isang asawa na makikipag-relasyon sa iba. Si Jestoni kasi ang asawa ni Jaclyn Jose sa upcoming sexy dramedy series ng GMA-7 na D’ Originals.

“I’m proud and honored...Of course [to be] with Jaclyn and Direk Adolf (Alix, Jr.) and the whole staff and producers ng show na ito,” pagbabahagi ni Jestoni na buong-pusong tinanggap ang hamon ng sexy dramedy show.

“Usually ang ginagawa ko a drama, action or fantasy. So iba naman ito, something new for me and challenging ang role.”

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with