^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Imbestigasyon sa Mamasapano massacre

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Imbestigasyon sa Mamasapano massacre

NGAYON ang ikalawang taon ng Mamasapano massacre. Enero 25, 2015 nang walang awang patayin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation­ Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters­ (BIFF) ang mga nasukol na 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa isang maisan sa Bgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao. Brutal ang pagpatay sa 44 na kahit nakabulagta na ay binabaril pa at tinataga. Pagkatapos patayin, ninakaw pa ang mga baril, uniporme, cell phone, pera at iba pang mahalagang gamit ng SAF commandos.

Kahapon, nakiisa si President Rodrigo sa mga biyuda at magulang ng SAF 44 sa pag-aalala sa kamatayan ng mga ito. Nangako ang Presidente na muling bubuksan ang kaso ng SAF 44. Pagkaka­looban din umano ng medal of Valor ang lahat nang napatay. Nagkaroon ng pag-asa ang mga biyuda at magulang ng mga napatay na police commandos. Makikita nila ang katotohanan at magkakaroon ng closure ang kaso.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na pabubuksan niya ang kaso ng Mamasapano. Kailangan magkaroon muli ng im­bestigasyon para mahukay ang katotohanan.

Nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado noong Enero 2016 subalit nauwi lamang sa pagtuturuan ang lahat. Nagturuan ang military general at mga dating opisyal ng Philippine National Police na may kinalaman sa “Oplan Exodus”. Ayon sa military general, hindi nakipag-coordinate sa kanila ang hepe ng SAF kaya hindi napadalhan ng tulong habang nakikipagbakbakan sa MILF at BIFF. Pero itinanggi iyon ng dating hepe, maaga pa lamang ay humingi na siya ng artillery support sa AFP. Pero walang dumating na tulong. Pitong oras nakipaglaban ang SAF 44 sa MILF at BIFF. Hinayaang patayin ang mga police commandos.

Maraming dapat malaman sa Mamasapano massacre. Kabilang dito ang papel ng United States sa “Oplan Exodus”. May nakitang Puti nang isagawa ang pagsalakay sa kubo ni Marwan. Sino ang nakakuha ng $5-milyong reward ng US sa pagkaka­patay kay Marwan? At bakit hindi nasaklolohan ng AFP ang mga nasukol na SAF 44.

Dapat malaman ang lahat nang ito sa pagbu­bukas ng kaso.

vuukle comment

MORO ISLAMIC LIBERATION­ FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with