^

Metro

Pugot na ulo sa Makati, tumugma sa katawang natagpuan sa Bulacan

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tumugma ang pugot na ulo na natagpuan sa Makati City sa katawan naman na unang­ natagpuan sa Bulacan, kama­kailan.

Ito ang kinumpirma ng South­ern Police District (SPD) at Makati City Police kasabay nang pagsasabing ang ulo ng babaeng natagpuan sa isang creek sa Kalayaan Avenue, Brgy. Pinagkaisahan ng natu­rang lungsod ay tumugma sa walang ulong kata­wan na natagpuan naman sa Bulacan.

Kinilala itong si Richelle Sagang, 17, isang kasambahay. Positibo itong kinilala ng kanyang ama na si Noel Sagang, 47, isang magsasaka, taga Zamboanga Del Norte.

Ayon sa pulisya, may ilang grupo na silang tinututukan  ka­­bilang ang dalawang babae na posibleng may kinalaman sa krimen.

Subalit, pansamantalang  hindi muna nila tinukoy ang mga pangalan ng mga ito dahil sa isinagawa nilang follow-up operation.

Napag-alaman sa mga im­bestigador ng Makati City Police, base na rin sa pahayag­ ni Noel, na isa umanong ka­sambahay sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City ang kanyang anak at ang huling­ kasama umano nito ay ang kanyang amo.

Hinihintay pa rin ng pulisya ang DNA test, para makum­pirma kung ang ulo at kata­wang natagpuan ay ang anak nga ni Noel na si Richelle.

Matatandaan, na noong Enero­ 12 ng taong kasaluku­yan natagpuan ang katawan ng babaeng walang ulo sa area ng Bulacan, samanta­lang ang ulo naman ay na­tagpuan sa Makati City no­ong Enero 14.      

vuukle comment

SOUTH­ERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with