^

Pang Movies

Wa paki sa branded Miss Colombia mas type gumamit ng eco bag!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Wa paki sa branded Miss Colombia mas type gumamit ng eco bag!
Miss Columbia

Kahit sinasabi na mal­dita si  Andrea Tovar, type ko siya dahil  hindi nagpapanggap ang candidate ng Miss Colombia sa 65th Miss Universe.

Sure ako na magugustuhan din ni Rubby Sy  si Andrea dahil ang  eco bag ang paborito nito na bitbitin.

Si Mama Rubby ang big boss ng Flawless at nagbigay siya ng Miss Flawless Universe special award na napanalunan ni Miss Ve­nezuela sa swimsuit presentation sa Cebu City.

Pero nakakatuwa si Andrea dahil hindi man siya nag-win, ang Flawless eco bag ang dala-dala niya at naglal aman ng kanyang mga gamit.

Nakita ko ang sarili ko kay Andrea dahil mas type ko na magbitbit ng mga eco bag kesa mga high end bag.

Kung naging judge ako ng Miss Flawless Universe, si Andrea ang pipiliin ko dahil sa loyalty niya sa number one skin and beauty clinic sa Pilipinas.

Isa si Andrea Tovar sa mga pili na kandidata ng 65th Miss Universe na umapir kahapon sa appreciation lunch ng PLDT sa SMX Convention Center.

Nakihalubilo ang mga kandidata sa  mga miyembro ng media na imbitado sa event.

Instant favorite sa appreciation lunch sina Miss Colombia, Miss Thailand, Miss Great Britain at siyempre, ang ating very own Miss Universe Philippines Maxine Medina.

Ang sey ng mga reporter, blooming si Maxine dahil  international beauty queen ang aura niya. Malaki raw ang chance ni Maxine na magkaroon ng puwesto sa 65th Miss Universe kesehodang iniintriga ang pagsasalita niya ng American language.

Anderson Cooper naloka sa fashion ng bagong first lady ng Amerika

Sa true lang, nanibago ako kay Anderson Cooper nang panoorin ko sa CNN ang live coverage niya  kahapon sa inauguration balls na dinaluhan ni US President Donald Trump at ng misis nito na si Melania.

Nakakapanibago si Papa Anderson dahil hindi ako sanay na napapanood siya na nagre-report at nagkokomento tungkol sa mga damit na isinuot ni Melania sa inauguration balls at oath taking ni Papa Donald.

Anak si Papa Anderson ng socialite at fashion designer na si Gloria Vanderbilt kaya may nalalaman siya tungkol sa fashion pero hindi talaga ako sanay na nagbabalita siya tungkol sa fashion style ni Melania.

Sushmita Sen hawak ang franchise ng Miss U sa India

Twenty three years na pala ang nakalilipas mula nang manalo na Miss Universe si Sushmita Sen ng India.

Ginanap noong 1994 sa PICC Plenary Hall ang 1994 Miss Universe kaya hinding-hindi malilimutan ni Sushmita ang bansa natin dahil dito nagsimula na gumanda ang kapala­ran niya.

 Nakakataba ng puso ang pralala ni Sushmita na looking forward siya sa muling pagbabalik niya sa Pilipinas bilang judge ng 65th Miss Universe.

Malayo na ang narating ni Sushmita dahil pagkatapos ng reign niya bilang Miss Universe, naging sikat na artista siya sa India at ngayon, siya na ang may hawak ng Miss Universe India franchise.

Sa mga hindi nakakaalam, si Sushmita ang may hawak ng record ng Miss Universe winner na nagbigay ng pinakamatalino na sagot sa question and answer portion. Hanggang ngayon, marami ang gumagaya sa sagot niya nang tanungin siya tungkol sa “essence of being a woman.”

Ang kabogera na sagot ni Sushmita ang nagpanalo sa kanya. Gumawa rin siya ng kasaysayan dahil si Sushmita  ang first Indian woman na nag-win ng Miss Universe title.

 

vuukle comment

ANDREA TOVAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with