^

True Confessions

Ang Magkapatid(110)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG naglalakad sa pasilyo ng pampublikong ospital patungo sa kuwartong kinaroroonan ng ama, walang imikan sina Ipe at Ada. Nakikiramdam naman si Karla habang nakahawak sa braso ni Ada. Nadarama niya na kinakabahan ang magkapatid sa pakikipagkita sa ama. Ang ikinatutuwa lang niya, pumayag ang mga ito na makita at makausap ang maysakit na ama. Ang akala niya, mabibigo siya sa pangako kay Philip. Tiyak na matutuwa si Philip kapag nakita ang mga anak. Sorpresa ang pagdating nilang ito. Maski si Manong Nesto na pinsan ni Philip ay hindi niya pinaalam na ngayon darating ang magkapatid.

‘‘Saan po ang ward ni Papa, Tita Karla?’’

‘‘Dun pa sa dulo.’’

‘‘Kinakabahan ako Ninang. Hindi ko alam ang gagawin kapag nakita  si Papa.’’

‘‘Relaks lang, Ada. Kalmahin mo ang sa­rili.’’

“Nandyan po ba yung lala-king sumusubaybay sa amin, Ni­nang?’’

“Si Ma­nong Nesto? Oo nandyan siya. Siya lang ang nagbabantay sa papa n’yo.’’

Humantong sila sa dulo ng pasilyo.

‘‘Sa kaliwa tayo. Ayun yung kuwartong yun,’’ sabi ni Karla.

Tinungo nila.

Si Ipe ang nagbukas ng pinto ng kuwarto. Ang kuwarto ay panglimahang pasyente.

Pumasok sila. Ang una nilang nakita sa bungad ng kuwarto ay kama ng isang matandang lalaki na may nagbabantay na da­lagita.

“Nasa may bintana ang bed ng papa n’yo,” sabi ni Karla sa magkapatid.

Tinungo nila.

“Ayun siya!’’ Turo ni Karla.

Nakatingin ang magka-patid sa lalaking nakahiga sa kama. Payat na payat ito at nanghihina. Parang tumigil ang mundo para kina Ipe at Ada sa nakitang itsura ng ama.

“Philip, ang mga anak mo!’’ sabi ni Karla na ikinagulat ni Philip at ni Manong Nesto. Hindi makapaniwala.

Hindi na napigilan ni Ada ang sarili at lumapit at yumakap sa ama. Umiiyak.

‘‘Papa! Papa!’’

Si Ipe ay hindi na rin napigil ang sarili. May luhang umagos sa pisngi. Pinahid ng hawak na pan­yo.

Matagal na yumakap si Ada sa ama.

Hinawakan naman ni Ipe ang payat na braso ng ama.

‘‘P-patawarin n’yo a-ako mga a-anak k-ko. H-hindi ko kayo natulu-ngan man lang. P-pata­wad sa m-marami kong p-pagkukulang.’’

Patuloy na umiyak si Ada. Pinipigil ni Ipe ang sarili.

Si Karla ay tahimik na umiiyak.

Si Manong Nesto ay nakatingin lang sa mag-aama. Nasisiyahan siya sa pagkikita at pagpapatawaran ng mag-ama.

(Itutuloy)

vuukle comment

IPE AT ADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with