^

Metro

‘Surprise’ clearing operations tuluy-tuloy-MTPB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Surprise’ clearing operations ang  kailangan sa Maynila.

Ito naman ang binigyan diin ni Richard Espiritu, deputy for operations ng  Manila Traffic  and  Parking Bureau (MTPB) kung saan nagsimula na silang manghatak ng mga sasakyang  illegally park sa Onyx  at San Andres St. sa Maynila.

Ayon kay Espiritu,  kaila­ngan nilang  gawing ‘surprise’  operasyon  upang matukoy kung sino ang  tunay na pasaway sa lugar.

Paliwanag ni Espiritu na hindi maaaring  magparking ang anumang  uri ng sasak­yan sa kahabaan ng  Onyx at San Andres  dahil  nagsisilbi itong alternate route ng mga sasakyan na magmumula sa Makati.

Aniya, masyado ring maliit ang  kalsada upang  paradahan pa ng mga  pampubliko at pribadong sasakyan.

Maging ang mga pasaway na mga tricycle at pedicab ay minomonitor na rin ng Manila Tricycle Regulatory Office  na  isa sa mga dahilan ng  pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan.

Ilang mga sasakyan din ang  nahatak ng  MTPB sa kanilang  isinagawang  operasyon

Isa sa mga reklamong natatanggap ng MTRO ay ang  pag-counter ng mga tricycle at pedicab at pagpapark sa mga masisikip na kalsada sa lungsod.

vuukle comment

SURPRISE’ CLEARING OPERATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with