^

Police Metro

Ex-North Cotabato vice mayor, patay sa bangga

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang dating bise alkalde sa bayan ng Arakan, North Cotabato makaraang masalpok ng isang motorsiklo ang kanyang motorsiklo  noong Bagong Taon sa Purok Over the Hill, Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Ang nasawi ay kinilalang si Wennie Canario, 57, magsasaka, dating bise alkalde ng Arakan at residente ng nabanggit na bayan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:40 ng tanghali noong Linggo ay binabaybay ng biktima sakay sa kanyang Honda XL 125 ang kahabaan ng National Highway papuntang Brgy. Doruloman nang biglang lumihis nang direksiyon si Canario dahilan para mabangga ng isang motorsiklo na nakasunod sa kanya na minamaneho ni Ermillo Aringo, 22.

Sa lakas ng pagkasalpok ay tumilapon si Canario na nagtamo ng maraming sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na mabilis na isinugod sa Municipal Health Office ng Arakan, pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

vuukle comment

NORTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with