^

Police Metro

Bomb expert na may patong na P1.2-M patay sa shootout

Rhoderick ­Beñez, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ng mga otoridad ang isang wanted na bomb expert ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na may patong sa ulo na P1.2 milyon nang manlaban sa mga elemento ng 602nd Brigade ng Philippine Army na magsisilbi ng warrant of arrest sa Barangay Central Malamote, Matalam, North Cotabato.

Kinilala ni 602nd Brigade commander Col. Nolly Samarita ang suspek na si Hassan alyas Kamarudin Sulayman,  43, na responsable sa serye ng pambobomba sa Mindanao simula noong 2006.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon habang isisilbi ng mga otoridad sa suspek ang isang warrant of arrest  nang kinuha nito ang granada at nang tatanggalin na ang pin ay pinagbabaril na ito at napatay.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 revolver, ilang bala, at granada.

Nabatid na ang suspek ay nasa no.18 sa listahan ng DND-DILG na wanted personalities na may mil­yones na patong sa ulo.

vuukle comment

BANGSA­MORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with