^

PSN Showbiz

Aktor binubuyo ng nakabalikang aktres na sumabak sa gulo

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming kuwento tungkol sa pakikipag-away ng mga lalaking personalidad na ang pinag-uugatan ay ang mga sumbong ng kanilang karelasyon. Ang babae ang nang-uurot sa kanila para makipag-away bilang pagtatanggol sa kanilang kaapihan.

Tandang-tanda pa ng mga taga-showbiz ang madalas na pakikipag-away nu’n ng isang action star sa mga kasamahan nitong artista. Ang dahilan, sumbungera ang karelason nito, kung anu-anong kuwento ang sinasabi sa action star kaya palagi rin itong napapaaway.

Feeling kasi ng girlfriend ng action star ay type na type ito ng mga kalalakihan, matingnan lang ito ay agad nang nakasumbong sa kanyang boyfriend, kaya away na agad ang kasunod nu’n.

Ganu’n din ang nangyayari ngayon sa isang showbiz couple. May pagkasumbungera rin ang girl, kung anu-ano ang ikinukuwento nito sa nakabalikan nitong boyfriend, kaya nag-iinit naman ang punong-tenga ng kanyang actor-boyfriend.

Kuwento ng isang source, “Wala na dapat ‘yun, e! Tutal naman, e, silang dalawa na uli ngayon, kaya ano pa ang kinalaman ng ex ng girl sa pagbabalikan nila?

“Pero may mga kuwento siya na nakapagpapainit sa ulo ng lalaki, kesyo ganito at ganyan daw ang sinasabi nu’n ng ex niyang bagets sa boyfriend niya, sinong lalaki naman ang makapapayag na ginaganu’n siya ng kapwa niya lalaki?

“Ayan tuloy, mukhang kokomprontahin ng boyfriend niya ang bagets, samantalang nananahimik na ang buhay nu’ng tao! Kasi nga, feelinggera ang girl, parang pakiramdam niya, e, nandito na uli ang kanyang knight in shining armor, meron na uling magtatanggol sa kanya.

“Hindi man lang niya naisip na gulo ang magiging resulta ng pagiging sumbungera niya! Pag-aawayin niya ang mga taong dapat, e, magkaibigan na lang ngayon, dahil wala naman talaga silang problema!” inis na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

AiAi change image, atras na sa pagmumura 

Dahil sa pagiging Papal awardee na niya ngayon ay medyo malilimitahan na ang sakop ng karaniwang ginagawa ng Philippine Comedy Queen sa kanyang mga concert-shows.

Klik na klik kasi sa manonood ang mga pakuwela ni AiAi delas Alasna may halong pagmumura at pambabalahura, ‘yun ang tatak ni AiAi sa entablado, aliw na aliw sa kanya ang manonood sa ganu’ng atake niya.

Pero ngayon ngang siya ang napiling handugan ng katas-taasang parangal ng Santo Papa at ng simbahan ay natural lang na iba na ang inaasahan sa kanya ng ating mga kababayan.

Kay AiAi na mismo nagmula na medyo kikinisin na niya ang kanyang performance, hindi na siya gagamit ng costume na may malalaking boobs, hindi na rin siya magpapakawala ng mga pagmumura dahil hindi na bagay ‘yun sa tinanggap niyang parangal.

At celibate na rin ngayon ang Comedy Concert Queen, hindi na sila nagsisiping ng kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan, titiisin nila ang tawag ng laman hanggang sa magpakasal na sila dalawang taon mula ngayon.

Palagi nga siyang tinutukso ng bagets niyang boyfriend, “Ang hirap kaya ng ganito!” na tinatawanan lang ni AiAi nang bonggang-bongga, kahit pa siya’y nahihirapan na rin.

Pero kailangan niyang panindigan ang mga restriksiyong pinaiiral ng simbahan, kailangan niyang sumunod, dahil du’n siya mabubutasan.

Ang dami-dami pa namang bashers ng komedyana, naghihintay lang ng pagkakataon ang mga ‘yun para siya bulabugin, kaya sa kanya na mismo nanggagaling ang pag-iingat.

“Hindi po ako Santa, lalong hindi po ako nagpapanggap na perfect ako, tao pa rin po ako na nagkakasala,” madalas sabihin ngayon ng Philippine Comedy Queen.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with