^

Metro

Mag-asawa niratrat sa loob ng bahay, patay

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng tatlong kalalakihan, iniulat kahapon sa Las Piñas City.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Jose Bonga­lon Sr., 60 at ang misis nitong Marilou, 58, kapwa nakatira sa Molave St., Samantha Village, Brgy. Talon 5 ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report na tinanggap ni Police Senior Supt. Jemar D. Modequillo, hepe ng Las Pñas City Police, naganap ang insidente alas-5:45 ng umaga sa bahay ng mga biktima.

Nabatid na kararating lamang ng mga biktima sa kanilang bahay buhat sa palengke at habang inaayos nila ang kanilang mga pinamili ay sumulpot ang tatlong armadong kalalakihan.

Walang salitang pinagbabaril ang mag-asawa na na-ging dahilan ng agarang kamatayan ng mga ito. Matapos na matiyak na patay na ang mga biktima ay mabilis namang nagsitakas ang mga salarin.

Iniwan ng mga suspect ang karatulang nakasaad ang katagang “maghanda na kayo tanod at pulis, nalalagasan na kami”.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ni Jose, na pagiging ex-officer ang pamamaslang sa kanilang mag-asawa.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

BARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with