^

Probinsiya

Armored car vs trike: Ama, 2 anak patay

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Armored car vs trike: Ama, 2 anak patay
Patay ang 31-anyos na ama at dalawa nitong anak na bata makaraang suwagin ng armored car ang sinasakyang traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay Seselangen, bayan ng Sual, Pangasinan kamakalwa ng gabi.
File photo

MANILA, Philippines – Patay ang 31-anyos na ama at dalawa nitong anak na bata makaraang suwagin ng armored car ang sinasakyang traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay Seselangen, bayan ng Sual, Pangasinan kamakalwa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Joel Ruiz, at dalawa nitong anak na sina Dhaisy Rain, 4; at Emgin Ruiz, 3.

Samantala, sugatan namang isinugod sa pagamutan ang misis na si Fe Ungria, 38, na masuwerte namang bahagyang sugat lamang ang tinamo.

Base sa ulat ng Pangasinan police na isinumite sa Camp Crame, naitala bandang alas-11:20 nggabi.

Nabatid na bumabagtas sa highway ang traysikel na walang plaka na minamaneho ni Joel nang makabanggaan nito ang armored car (SHS 299) na minamaneho naman ni Aljourney Fernandez, 28.

Sa pahayag ng mga testigo, masyado umanong matulin ang traysikel na nang-agaw ng linya habang tinatangkang mag-overtake sa sinusundang sasakyan pero sa kamalasan ay nasalpok naman ng kasalubong na armored car.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang mag-aama pero idineklarang patay habang nagtamo rin ng bahagyang sugat ang driver ng armored car.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to 3 counts of homicide at 1 count ng frustrated homicide ang driver ng armored car.

 

vuukle comment

ARMORED CAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with