^

Pang Movies

Paolo malihim sa lovelife!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Paolo malihim sa lovelife!
Paolo

Thirty four years old na si Paolo Ballesteros sa November 29 at puwedeng i-claim niya na masuwerte siya ngayong 2016 dahil sa rami ng mga nangyayari sa kanyang showbiz career.

Nasuspinde man siya ng limang buwan sa Eat Bulaga, bonggang-bongga ang takbo ng acting career ni Paolo dahil tatlong pelikula ang natapos niya, ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!, Die Beautiful, at ang movie project ni Vic Sotto na balak isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

To top it all, nire-recognize sa iba’t ibang bansa ang talent ni Paolo sa make-up transformation. Nabulabog ang lahat nang rumampa siya as Angelina Jolie sa red carpet ng Tokyo International Film Festival noong Martes.

Walang tatalo kay Paolo sa kasalukuyan kung ang galing sa make-up transformation ang pag-uusapan. Dati nang ginaya ni Paolo ang mukha ni Angelina Jolie pero mas kuhang-kuha niya ngayon ang face ng soon to be ex-wife ni Brad Pitt.

Dahil successful ang showbiz career niya at nakabalik na siya sa Eat Bulaga, ang bahay na ipinatatayo sa Antipolo City ang pinagkakaabalahan ni Paolo na loveless pa rin. Ang mahanap na ang nilalang na karapat-dapat sa pagmamahal niya ang isa sa mga birthday wish para kay Paolo ng kanyang loving fans.

Masyadong secretive si Paolo kapag lovelife na ang topic kaya walang nakakaalam sa mga kaganapan sa kanyang personal na buhay.

Joyce wala pang ibang lalaking minahal after Kristoffer

Ibang Joyce Ching ang mapapanood sa Hahamakin Ang Lahat dahil pumayag siya na makipaghalikan sa kanyang leading man na si Kristoffer Martin.

Knowing them, hindi nakaramdam ng pagkailang sa isa’t isa sina Joyce at Kristoffer sa kanilang mga intimate scene dahil lovers nga sila noon.

Para patunayan na handa na siya sa mga daring scene, paseksi si Joyce sa presscon ng Hahamakin Ang Lahat, mula sa kanyang make-up hanggang sa red gown na suot niya.

Mula nang maghiwalay sila ni Kristoffer, walang napabalita na nakipagrelasyon si Joyce sa ibang mhin kaya umaasa ang fans nila na magkakaroon ng reconciliation bilang halos araw-araw na magkikita ang dalawa sa taping ng Hahamakin Ang Lahat.

Ariel dual ang bagong character

Dual o dalawa ang karakter na ginagampanan ni Ariel Rivera sa Hahamakin Ang Lahat.

Challenging ang role ni Ariel sa bagong afternoon soap ng GMA-7 bilang love interest ni Eula Valdez na natsugi pero may biglang lumitaw mula sa Amerika na kamukhang-kamukha niya.

Si Don Michael Perez ang direktor ng Hahamakin Ang Lahat. Convinced na convinced si Don na magugustuhan ng televiewers ang kuwento ng bagong project niya dahil hindi ito typical na drama series na paulit-ulit na lamang ang plot.

Sancho nakakaarte na walang tulong ni AiAi

Nagsalita nang tapos si Sancho delas Alas na si Shana na ang babae na pakakasalan niya.

Si Shana ang non-showbiz girlfriend ni Sancho na star at beauty queen material.

Muntik nang magkaroon ng anak ang dalawa pero nalaglag ang ipinagbubuntis ni Shana.

Kahit maraming nakikilala si Sancho na magagandang babae sa industriya na kinabibilangan niya, si Shana pa rin ang itinitibok ng kanyang puso.

Introducing si Sancho sa Area bilang bugaw ng mga babae. Para sa isang baguhan na aktor, nagpakitang gilas si Sancho sa pag-arte kaya tiyak na masusundan pa ang kanyang mga pelikula, kesehodang hindi kasama ang nanay niya.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with