^

PSN Opinyon

‘Lumutang ang dapat lumutang sa DAP!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa lusot si dating Pres. Benigno “Noy” Aquino sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Bagaman nagdesisyon na ang tanggapan ng Ombudsman na “walang kinalaman” si Noynoy sa DAP at naipit mag-isa si dating Budget Secretary Florencio Abad sa akusasyon, pumalag ang Bayan Muna Partylist.

Sa motion for reconsideration na isinampa ng Bayan Muna laban sa naunang desisyon ng Ombudsman, hiniling nitong tingnan at analisahin ang mga DAP issuances na pirmado ni Aquino.

Tila hindi na nakapalag ang Ombudsman dahil agad nitong binigyan si Aquino ng 15 araw para sagutin ang akusasyon.

Maliwanag pa sa sikat ng araw, bilang dating Presidente ay may pananagutan si Aquino. Ang lagay eh pirma niya ‘yun, alangan namang ibang tao ang kuwestiyunin bakit naaprubahan ang mga lumabas na DAP issuances?

Kaawa-awa ang pobreng si Abad, siya lang ang dinudurog ngayon para sagutin ang mga akusasyon.

Kung tutuusin, sumusunod lang siya sa utos ng kaniyang amo. Maliban na lang kung eng eng si Abad at dumidiskarte ng sarili niya at nagdedesisyon ng hindi alam ng kanyang Presidente.

Ang punto lang ng Bayan Muna, hoy Ombudsman, subukan mong tingnan ang teknikalidad at legalidad ng mga dokumento.

Ayan, may pirma ni dating President Aquino, naturalmente meron siyang liability at accountability dito. Kaya kuwestiyunin mo kung bakit niya inaprubahan at pinalusot ang mga iyon.

Bukod pa riyan, Korte Suprema na mismo ang nagsabi na unconstitutional ang DAP dahil pinakialaman nito ang budget authority ng Kongreso.

Kung noong nakaupo si Noynoy bilang Presidente ay maaaring na-absuwelto siya, pero ngayong iba na ang pinuno aba’y hindi na uubra ang takipan.

Kaya eto na ‘yung sinasabi ni Pres. Rodrigo Duterte, imbestigahan na ‘yan at siguradong maraming lulutang pa na pangalan na sangkot dito.

Oh para sa pinakamatalik na kaibigan ng Presidente – Senator Antonio Trillanes IV, kinakabahan ka na ba? Malapit-lapit mo ng matamasa where you are really belong.

vuukle comment

BENIGNO “NOY” AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with