^

Bansa

Hepe ng 2 ‘kotong’ cops, sinibak sa pwesto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang sinibak sa pwesto ni Quezon City Police District director Chief Supt.  Guillermo Eleazar ang dalawang pulis na naaktuhang nangongotong sa motorista habang nagsasagawa ng random smoke-belching tests. Kasama rin sa sinibak sa pwesto ang kanilang imme­diate supervisor  dahil sa  command responsibility.

Ayon kay Eleazar, ang mga sinibak na pulis ay sina SPO2 Raul Nadera at  PO3 Anthony Tecson na kakasuhan ng robbery extortion at dagdag na kasong illegal possession of firearms and  ammunition  na isasampa kay  Tecson sa nakuha ritong  walang lisensiyang baril .

Sibak din sa pwesto si  SPO4 Redentor dela Cruz Fajardo, hepe ng   Motorcycle Unit ng  District Traffic Enforcement Unit na superior ng dalawang kotong cops.

Sinabi ni Eleazar na iniimbestigahan na ng tanggapan kung alam ni Fajardo ang modus operandi ng dalawang tauhan nito.

Sinabi pa nito na ang tatlo ay nailipat na sa  District Headquarters Support Unit pero nairekomenda  na kay NCRPO chief  Oscar Albayalde na mailipat ang tatlo mula QCPD sa NCRPO habang binubusisi ang kanilang kaso.

Anya, ang 9 na tauhan ng  QC Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) na kasama ng dalawang kotong cops ay nai-turn over na sa kanilang superior upang sila mismo ang magsagawa ng imbestigasyon laban sa kanilang tauhan.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with