^

Punto Mo

‘Ginabayan ni Jesse’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

PUMANGALAWA nung  simula ngunit ilang oras lang ang nakalipas nanguna na sa bilangan sa pagka-bise Presidente si Congresswoman Leni Robredo.

Dikit na dikit ang labanan nila ni Sen. Ferdinand Marcos Jr. Lahat nakaantabay kung sino nga ba ang mananalo sa pagka-bise.

Hindi naman maipagkakaila na talagang ginawa ni Cong. Leni ang lahat para makilala siya ng taumbayan at kung ano ang kanyang mga isinusulong.

Bagama’t gumawa na siya ng sariling pangalan at nakatulong  na sa kanilang lugar maraming Pilipino pa din ang hindi nakakakilala ng lubusan kay Cong. Leni.

Sa araw ng pangangampanya dinaan niya sa tiyaga ang lahat. Unti-unti siyang umakyat sa mga surveys at nung araw mismo ng bilangan ay nanguna na.

Nangangahulugang ibinigay ng karamihan ang tiwala nila sa mga plataporma ni Cong. Leni at naniniwala sila sa pagiging totoong tao nito.

Gusto niyang maiangat ang mga taong nasa laylayan. Proyekto para sa mga kababaihan at ina para magkaroon ng sariling mapagkakakitaan.

Ilang araw siyang nanguna at lahat ng kanilang mga tagasuporta ay nakatutok sa bilangan para bantayan ang bawat botong binibilang.

May mga isyu pang lumabas na umano’y may dayaang nangyari at may balota pang hindi nabibilang.

Sa kaarawan ng asawa ni Cong. Leni na si Jesse Robredo ay binisita niya ito sa puntod nito sa Naga City. Matapos basbasan ang puntod ay saka naman naideklarang si Cong. Leni ang nanalo sa pagka-bise Presidente.

Napakahalagang araw ito para sa kanilang pamilya dahil dalawang bagay ang kanilang ipinagdiriwang. Para bang sinasabi ni Jesse sa asawa na ‘hindi kita iiwan’.

Nang matapos ang bilangan at pagdedeklara ng mga nanalo nagtakda na kung kailan ang proklamasyon ng mga ito.

Bago ang nakatakdang oras ng proklamasyon ay dumalo muna siya ng ‘thanks giving mass’ sa St. Peter’s Church sa Commonwealth, Quezon City.

Ang lahat daw ng nangyayari ay talagang niloob ng Diyos. Humihingi din siya ng dasal mula sa mga taga suporta sa pag-upo niya sa posisyon. Kasing tindi ng naging panalangin ng mga ito nung bilangan.

Magkaiba man ng pinanggalingang partido sina Presidente Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo nangako naman siya na buo ang kanyang pagsuporta sa bagong halal na Pangulo.

Sa  mga bagong mamumuno sa Pilipinas, hindi ito magiging matagumpay kung hindi natin sila matutulungan na mapabuti ang ating bansa.

Ipagdasal natin na maging matagumpay ang ating mga bagong halal na pinuno ng bansa.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

PRESIDENTE SA TUGPAHANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with