^

PM Sports

Pocari Sweat humugot ng Bosnian middle blocker

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinugot ng Pocari Sweat si Bosnian middle blocker Edina Selimovic bilang isa sa dalawang import na kanilang ipaparada sa 14th Season Reinforced Conference ng Philippine V-League, dating Shakey’s V-League na hahataw sa Mayo.

Dumating sa bansa kahapon si Selimovic, isang 6-3 na dating Little Rock Trojans standout at inaasahang makakasama ngayon sa unang training session ng Lady Warriors, ayon kay team manager Eric Ty.

“She will be a big addition to our team as we try to shoot for a third championship in the PVL,” wika ni Ty sa pagbandera ni Selimovic sa Pocari, nagreyna sa nakaraang Reinforced at Open Conferences.

Idinagdag ni Ty na isa pang import ang darating para palakasin ang kampanya ng Lady Warriors.

“She’s an American outside spiker and like Edina, she will be an important piece of the championship puzzle for us,” pagtatago ni Ty sa nasabing player.

Hinugot din ng Pocari sina dating NCAA Finals MVP Jaenette Panaga ng St. Benilde, Jessie de Leon ng Santo Tomas at ex-Ateneo star Fille Cainglet Cayetano na sasalo sa naiwang trabaho ni team captain Michele Gumabao.

Ang iba pang nasa koponan ay sina Myla Pablo, Elaine Kasilag, Desiree Dadang, libero Melissa Gohing at dating Far Eastern U setter Gizelle Sy, kukuha sa starting setter job ni Fil-Am Iris Tolenada.

Si Tolenada, miyembro ng Lady Warriors na umangkin sa korona ng nakaraang Open Conference, ay nagbalik sa United States para maging head coach ng isang school team.

Si coach Rommel Abella ang gagabay sa Pocari.

Samantala, mapapanood din sa season-opening conference ang lima pang koponan, kasama dito ang Creamline Cool Smashers na babanderahan ni Alyssa Valdez at ang beteranong Air Force.

vuukle comment

BOSNIAN MIDDLE BLOCKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with