^

Police Metro

Cessna plane bumagsak: Piloto, pasaherong babae utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahilan sa pagsabit sa zip line cable, patay ang isang piloto at pasahero nitong babae makaraang aksidenteng bumagsak sa karagatan sa bahagi ng Santiago Cove, Santiago Ilocos Sur ang sinasakyan ng mga itong Cessna plane nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat  na tinanggap ng Office of Civil Defense Region 1, nitong Sabado ng umaga ay narekober na ng mga di­vers ng Philippine Navy at Phi­lippine Coast Guard ang bangkay ng mga biktimang kinilalang sina John Kaizan Estabillo, piloto at lulan nitong si Paula Bianca Robles  na nakuha ang  mga  bangkay sa cockpit window ng Cessna airplane.

Ang eroplano, ino-operate ng Leading Edge International Aviation ay bumulusok sa 20 talampakang lalim ng karagatan may 700 metro ang layo mula sa dalampasigan ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ang Cessna plane na may body number RP–C7838 ay lumipad mula sa Vigan City, Ilocus Sur airport  at nagpaikot–ikot sa nasabing cove nang iwasan ang zipline cable sa lugar na nasa 50-70 metrong taas mula sa naturang beach bandang alas-3:28 ng hapon.

Gayunman, ayon sa ilang residente na nakakita sa  pangyayari sumabit sa zip line cable ang kanang pakpak ng naturang eroplano bunsod upang bumulusok ito sa dagat.

Agad naman nagresponde ang mga di­vers ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard pero nabigo nang marekober ang mga biktima nitong Biyernes ng hapon dahilan sa masyadong malalakas ang alon sa lugar dulot ng pag­hagupit ng bagyong Lawin.

Samantalang ang mga biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kanilang mga kagamitan na narekober sa likod ng bumagsak na eroplano.

 

vuukle comment

CESSNA PLANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with