^

Pang Movies

Toni nagpapa-sexy na!

Jun Lalin - Pang-masa
Toni nagpapa-sexy na!
Toni Gonzaga

MANILA, Philippines - Next month pa raw babalik sa taping ng Home Sweetie Home si Toni Gonzaga after niyang manganak sa panganay nila ng mister niyang si Paul Soriano. Kahit noon pa tumigil sa pagte-taping si Toni, napapanood pa rin siya sa Home Sweetie Home.

Kinunan na kasi ng advance ang mga eksena niya sa napakaraming episodes ng nasabing sitcom na pinagbibidahan nila ni John Lloyd Cruz.

Ngayong araw na ito, may taping ang Home Sweetie Home, pero ang ibang cast lang ang kasama at wala si Toni. Medyo nagpapapayat pa raw ito bago babalik sa taping.

Balitang babalikan din ni Toni ang taping sa Written In Our Stars teleserye nila nina Piolo Pascual, Sam Milby, Jolina Magdangal at Sarah Lahbati.

Kung matatandaan, nabinbin ang taping ng nasabing teleserye nang magbuntis si Toni. Papalitan na sana siya sa nasabing proyekto, pero balitang nag-suggest si Piolo na hintayin na lang makapanganak ang TV host/actress.

Boy todo bakasyon kahit may daily show

Kahit may daily show siya na Tonight with Boy Abunda sa ABS-CBN, madalas pa ring nakakapag-travel abroad ang pamosong TV host/talent manager na si Boy Abunda.

Nakakapag-advance taping kasi si Kuya Boy ng TWBA. Kahapon, naikuwento sa amin ni Kuya Boy na medyo busy siya sa advance tapings ng TWBA dahil aalis na naman siya pa-Singapore at dederetso ng Los Angeles, California para sa isang event doon.

Manager ni Nora yumao na

Yumao na kahapon ang talent manager na si Boy Palma.

Ilang beses na raw inatake si Kuya Boy at bumigay na kahapon. Kilala bilang manager ng superstar na si Nora Aunor ang yumaong talent manager.

Noong isang araw, may nakapagkuwento sa amin na nakadalaw pa raw si Mama Guy kay Kuya Boy. Mahal na mahal ng Noranians si Kuya Boy dahil na rin sa labis niyang pagmamahal sa Superstar.

Sa pamilya ni Kuya Boy Palma, our condolences!

Laplapan nina Zanjoe at Sam kinakiligan

Second week na bukas ng The Third Party ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Milby. In fairness, kinikilig ang moviegoers sa eksenang naghalikan sina Zanjoe at Sam.

Puring-puri ng moviegoers ang acting ni Zanjoe! Ang laki na ng improvement ng acting ni Zanjoe sa pelikulang ito. Magaling na talaga siyang gumanap na bading na ilang beses na rin naman niyang nagawa.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with